Ex-President Joseph Estrada hospitalized, tests positive for COVID-19

by Jet Hitosis
Mar 29, 2021
Joseph Estrada, COVID-19 positive
Former Senator Jinggoy Estrada announces in a Facebook post that his father, former President and ex-Manila Mayor Joseph Estrada (in photo), contracted COVID-19 and is now hospitalized.
PHOTO/S: PEP file

Isinugod sa ospital si dating Pangulo at former Manila Mayor Joseph Estrada nitong Linggo ng gabi, March 28, matapos magpositibo sa COVID-19.

Inanunsiyo ito ng anak niyang si dating senador Jinggoy Estrada sa isang Facebook post.

Ayon kay Jinggoy, dinala sa ospital ang 83-year-old former President dahil sa “panghihina ng kanyang katawan.”

Sabi ni Jinggoy (published as is): “Na-diagnose na po siya na positibo sa covid 19.”

Tiniyak naman ni Jinggoy, 58, na “stable” ang lagay ng dating Pangulo sa ngayon.

Umapela rin siya ng dasal para sa ama.

“Ako po ay humihingi ng inyong mga panalangin sa kanyang agarang paggaling,” saad sa post ni Jinggoy.

Continue reading below ↓

Si Estrada ang ika-13 presidente ng Pilipinas.

Nagsilbi siya mula 1998 hanggang 2001, hanggang napatalsik sa puwesto kasunod ng serye ng kilos-protesta sa EDSA sa kasagsagan ng impeachment trial sa kanya sa kasong pandarambong.

Kalaunan, binigyan siya ng pardon ng humalili sa kanya sa puwesto, si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Taong 2013 nang inihalal siyang alkalde ng Maynila, at nagsilbi sa lungsod hanggang 2019.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Senator Jinggoy Estrada announces in a Facebook post that his father, former President and ex-Manila Mayor Joseph Estrada (in photo), contracted COVID-19 and is now hospitalized.
PHOTO/S: PEP file
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results