Toni Gonzaga says she never broke up with Paul Soriano; refutes confronting someone to say "Not my husband!"

by Rachelle Siazon
Mar 30, 2021
Toni Gonzaga (right) quashes rumor that she and husband Paul Soriano (left) broke up because of an alleged third party in the past. Referencing that past intrigue, Toni tells sister Alex, "Baduy mo naman. Yun talaga rumor mo?" Ang litratong ito ay kuha sa guest appearance nina Paul at Toni sa vlog ni Alex noong February 10.
PHOTO/S: Alex Gonzaga YouTube

Nanindigan si Toni Gonzaga, 37, na hindi kailanman dumating sa puntong naghiwalay sila ng mister niyang si Paul Soriano, 39.

Tila may kaugnayan ito sa intrigang pinagdaanan ng mag-asawa nang masangkot noon si Paul sa isyung may kinalaman sa third party.

Si Toni ay kilalang TV host ng ABS-CBN reality franchise show na Pinoy Big Brother, habang si Paul ay isang producer-director ng sariling movie company.

Sa isang bihirang pagkakataon, diretsahang tinanong si Toni ng nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga tungkol sa bali-balitang may kinumpronta noon si Toni.

Isang hindi pinangalanang personalidad na nauugnay kay Paul ang sinabihan umano ni Toni ng "Not my husband!"

Sabi ni Alex: "Ito, rumor na sagutin mo ngayon. Totoo ba na may sinabihan ka ng 'Not my husband!'?"

Sagot ni Toni, "Wala. Baduy mo naman. Yun talaga rumor mo?"

Ulit ni Alex, "Walang katotohanan?"

Seryosong diin ni Toni, "Wala."

ALEX AS TONI'S PROTECTIVE SISTER

Ayon kay Alex, saksi siya kung paano dinedma ni Toni ang intriga na diumano'y may third party na naugnay kay Paul.

Kung nagkataong totoo ang bali-balita, hindi raw magdadalawang-isip si Alex na siya mismo ang susugod kay Paul.

Inihalintulad pa niya ang sarili kay Solange Knowles na kapatid ng sikat na singer na si Beyonce.

Noong 2014, napabalitang sinapak at tinadyakan ni Solange ang asawa ni Beyonce na si Jay-Z habang nasa loob sila ng elevator noong 2014.

Paliwanag ni Alex: "Gusto ko lang sabihin sa inyo, I'm very protective of my sister.

"And if ever man na may mangyayari sa kanila—tandaan niyo sa mga Tinsters who are watching—na I will be the Solange Knowles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Talagang makikita niyo na lang sasapakin ko si Direk Paul.

"Pero walang naganap na ganun. Never po nangyari.

"Wala pong katotohanan na may sinabihan ang ate na 'Not my husband!'

"Kasi ang corny. Hindi niya talaga gagawin."

Naalala rin ni Alex na pati sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez ay nag-alala noong panahong naintriga ang buhay mag-asawa nina Paul at Toni.

Ani Alex: "Ta's one time, tinawagan ko siya, 'Ay, Ate, yung mga friends mo... Sina Ate Mariel and sina Ate Bianca, minessage ako, 'We're so worried about your sister. What's happening?'

"Sabi ko [kina Ate Mariel and Ate Bianca], 'Ay, naiwan ng ate yung paki. Hindi talaga namin napag-uusapan."

Noong March 26, nagkuwentuhan sina Alex at Toni sa vlog ni Alex na may pamagat na "We React to our Crazy Rumors."

Alex Gonzaga with Mikee Morada, Toni Gonzaga with Paul Soriano in Amanpulo

TONI SAYS ALEX USED TO SAY "HIWALAYAN MO NA 'YAN"

Ayon pa kay Toni, bahagi ng buhay mag-asawa ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero si Alex daw ang panay ang sulsol kay Toni kapag may mga simpleng inisan sina Toni at Paul.

Lahad ni Toni: "Ikaw ang iru-rumor ko. Sino yung kapatid na laging gustong maghiwalay yung kapatid tsaka yung brother-in-law niya?

"'Hiwalayan mo na 'yan.' Laging ganyan 'yan.

"Kapag nagkakainitan kayo sasabihin niyan, 'Umuwi ka na sa Taytay. Iwanan mo na 'yan. Turuan mo ng leksyon. One week ka dito tumira.'"

Depensa naman ni Alex, gusto lang niyang mas maging bukas si Toni sa nararamdaman nito.

"Kaya ko yun sinasabi guys kasi ang ate ko, introvert siya.

"Hindi niya ma-express ang sarili niya. Nasanay siya sa mommy at daddy na quiet lang siya.

"Siyempre yung bunganga ko malaki, 'Fight. Fight back.'"

Paglilinaw pa ni Alex, kasundong-kasundo niya ang bayaw na si Paul.

Kuwelang saad ni Alex: "Before, hindi kami okay ni Kuya Paul kasi hindi namin gets yung humor ng isa't isa.

"But you know what? We're the best of friends now.

"And Ate now is the enemy."

Hirit pa ni Alex ukol kay Toni, "And bagay sa kanya si Paul. Alam niyo kung bakit? Kasi minsan epal siya. Hindi siya nagiging epal kay Paul. So thank you Kuya Paul."

Toni, Paul and son Seve with sister Alex and Mikee

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Toni Gonzaga (right) quashes rumor that she and husband Paul Soriano (left) broke up because of an alleged third party in the past. Referencing that past intrigue, Toni tells sister Alex, "Baduy mo naman. Yun talaga rumor mo?" Ang litratong ito ay kuha sa guest appearance nina Paul at Toni sa vlog ni Alex noong February 10.
PHOTO/S: Alex Gonzaga YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results