OPM icon Claire dela Fuente passes away at 63

by Arniel C. Serato
Mar 30, 2021
Claire dela Fuente death
OPM icon singer Claire dela Fuente's son Gigo de Guzman confirms that the OPM icon succumbed to cardiac arrest today, March 30. She was 63 years old.
PHOTO/S: Courtesy: Claire dela Fuente on Facebook

Pumanaw na ang OPM icon na si Claire dela Fuente ngayong umaga ng Martes, March 30.

Siya ay 63 years old lamang.

Kinumpirma ito ng anak ni Claire na si Gigo de Guzman sa panayam nito kay MJ Felipe ng ABS-CBN News.

Sabi ni Gigo, "Yeah, earlier this morning, my mom Claire dela Fuente passed away. Cardiac arrest."

Na-diagnose daw na positibo sa COVID-19 ang kanyang ina noong nakaraang linggo. Pati rin daw si Gigo ay positibo rin sa virus pero asymptomatic.

Dagdag niya, "I myself, am also COVID positive but showing no symptoms. That's why I couldn't be beside her.

"Yeah, she was supposed to turn 64 this year. I don't know what else to say but..."

Muling inulit ni MJ ang tanong tungkol sa sanhi ng kamatayan ng ina.

Tugon ni Gigo, "Based on my doctor, she died from cardiac arrest.

"Tapos believed to be a result of her stress and anxiety because she does... my mom has anxiety, hypertension, diabetes.

Continue reading below ↓

"And her tendency to worry, to stress a lot, led her to weaken, and in her sleep her heart gave out."

Dagdag pa niya, "Yesterday, she was fine, and she was... I got to speak to her, I got to argue with her one last time."

SHOWBIZ MOURNS CLAIRE'S PASSING

Si Claire ay itinuturing na icon sa Original Pilipino Music o OPM.

Continue reading below ↓

Sumikat siya sa kanyang jukebox hits na "Nakaw Na Pag-ibig," "Minsan-Minsan," at "Sayang."

Kaagad namang bumuhos ang pakikiramay ng mga taga-showbiz sa pagpanaw ni Claire.

Kabilang sa kanila ang komedyanteng si Wacky Kiray.

Twitter Post: Wacky Kiray pays tribute to Claire Dela Fuente

Sa Facebook naman, nagpaabot din ng pakikiramay ang kapwa mang-aawit ni Claire na si Richard Reynoso.

Sabi niya sa kanyang mensahe, "Paalam po at taos pusong pagpugay to one of OPM's Jukebox Queens, Ms. Calire Dela Fuente."

Continue reading below ↓

FB Post: Richard Reynoso pays tribute to Claire Dela Fuente

Ang mga kaibigan naman ni Gigo na sina Valentine Rosales at Rommel Galido ay may mga post din sa kanilang Instagram Stories ukol sa balita.

Sina Valentine at Rommel ay kapwa respondents ni Gigo sa Christine Dacera case.

Sabi ni Valentine, "Someone tell me this isn't real. This is not happening. I just can't believe it."

Continue reading below ↓

IG Story: Valentine Rosales in shock of Claire demise

Sa isa pa niyang post, sinamahan niya ito ng maiksing video na kasama si Claire.

Sabi niya sa caption, "Iloveyou so much mama @clairedelafuente

"Stay strong @gigodg86 @rom_tisoy"

IG Story: Valentine Rosales pays tribute to Claire Dela Fuente through a short video

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Rommel sa kanyang Instagram Stories, "Rest In Peace Tita Claire. Mahal na mahal ka namin."

IG Story: Rommel Galido pays tribute to Claire Dela Fuente

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPM icon singer Claire dela Fuente's son Gigo de Guzman confirms that the OPM icon succumbed to cardiac arrest today, March 30. She was 63 years old.
PHOTO/S: Courtesy: Claire dela Fuente on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results