Kelvin Miranda wants to step out of the shadows of his famous lookalikes

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2021
Kapuso actor Kelvin Miranda (center) says it is a compliment to be called a lookalike of Daniel Padilla (left) and James Reid (right) but he is determined to make his own mark in showbiz.
PHOTO/S: @imdanielpadillaofc, @iamkelvinmiranda, @james on Instagram

Gustong gumawa ng sariling marka ni Kelvin Miranda, 22, sa showbiz at hindi lang manatiling ka-lookalike ng mga kilalang male celebrities.

Madalas siyang sabihang kamukha nina Daniel Padilla, James Reid, at ilang foreign celebrities.

Maraming netizens ang naghahalintulad sa kanya sa mga sikat na aktor kung titingnan ang mga komento sa kanyang Instagram account.

Pero dumating na raw ang Kapuso actor sa puntong gusto na niyang kumawala sa anino ng kanyang ka-lookalikes.

Ito ang sinabi ni Kelvin nang mausisa siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa finale presscon ng GTV drama series na The Lost Recipe noong March 25.

“Syempre naman po sumasagi sa isip ko ‘yon, madalas,” simula ng aktor.

“Na sana makilala ako sa pangalan ko mismo. Hindi dun sa anino mismo ng personalidad na hinahangaan natin, ‘no.”

Compliment daw na naihahambing siya sa mga tinitiliang mga artista, pero kailangan din niyang patunayan ang sarili at makagawa ng sariling marka sa showbiz.

Continue reading below ↓

“Dahil minsan compliment siya, ‘no, kasi nakakatuwa na naihahalintulad ka sa mga guwapings na binabanggit nila.

“So, pakiramdam ko, ‘Oy, teka, guwapo din pala ako.’

“Career-wise, kailangan makabuo ako ng sariling pangalan, sariling diskarte, sariling paraan para makilala ako.

“Thankful ako na naihahalintulad ako sa kanila, but kelangan kong umalis dun, sa side na ‘yon, kailangan kong ako mismo [makilala ako].”

ALMOST GAVE UP ON HIS SHOWBIZ VENTURE

Sa isang punto ng virtual presscon, nabanggit ni Kelvin na muntik na niyang sukuan ang kanyang pagpasok sa showbiz.

Nakadagdag daw sa kanyang mabigat na pakiramdam ang pandemya.

Pero dumating daw ang The Lost Recipe, na kanyang launching big project, at ganahan para ituloy pa rin ang pag-aartista.

Aniya sa PEP.ph, “Yes po. Sa totoo lang po, gusto ko pong mag-aral na lang muna at mag-focus muna sa sarili ko.

“Kasi talagang nawalan ako ng tiwala sa sarili dahil sa mga nangyayari.

Continue reading below ↓

“Feeling ko, end of the world. Sobrang apektado talaga ako ng pandemya, hindi lang sa financial.

“Ganundin sa mental health ko. Sobrang naapektuhan ako.

“Hindi naging maganda sa ‘kin yung dating ng last year, but naging blessing siya dahil pumasok sa ‘kin ‘to, The Lost Recipe.

“Feeling ko, ito yung naging kapalit nung lahat ng nawala sa ‘kin.

“Ito yung pinakamalaking blessing na natanggap ko.

“Yung tiwala sa sarili bumalik dahil sa The Lost Recipe.”

Nagsimulang umere sa GTV ang teleserye ni Kelvin katambal si Mikee Quintos noong January.

Nasa huling linggo na ito ngayong linggo.

Magkakaroon naman ito ng special airing ngayong Holy Week.

Mapapanood ang special airing ng teleserye pagsapit ng Maundy Thursday hanggang Black Saturday, pagkatapos ng 24 Oras, sa GTV.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app on Google Play or App Store and enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actor Kelvin Miranda (center) says it is a compliment to be called a lookalike of Daniel Padilla (left) and James Reid (right) but he is determined to make his own mark in showbiz.
PHOTO/S: @imdanielpadillaofc, @iamkelvinmiranda, @james on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results