Is Jennica Garcia - Alwyn Uytingco marriage on the rocks?

by Bernie V. Franco
Mar 30, 2021
Did Jennica Garcia and Alwyn Uytingco call it quits? Netizens have noticed that Jennica has erased photos of her husband on her Instagram account and has returned to using her maiden name.
PHOTO/S: @jennicauytingco and @alwynzky on Instagram

Makahulugan ang mga binitawang salita ni Jennica Garcia, 31, nang matanong kung kumusta na sila ng asawang si Alwyn Uytingco, 33.

Usap-usapan ngayon kung nagkakalabuan na ang relasyon ng mag-asawa.

Nang usisain ang aktres tungkol sa relasyon nila ni Alwyn, tumangging magsalita si Jennica.

Natanong si Jennica sa episode ng Cristy Ferminute, ang entertainment program ng columnist na si Cristy Fermin sa Radyo Singko, ngayong Martes, March 30.

Inusisa si Jennica kung bakit binura niya ang mga larawan nila ni Alwyn sa kanyang Instagram account.

Bakas ang alinlangan sa sagot ni Jennica.

“Nay Cristy, alam niyo sa totoo lang po, nahihiya ako dahil sa inyo na rin po nanggaling, dahil ninang ko nga po kayo sa binyag,” bungad ng aktres.

“Kaya ko naman pong sabihin sa inyo, Nay Cristy, kung tayong dalawa lang po, out of my respect din po, of course, naman po of you.

“It’s just that right now, Nay, talagang hindi lang po kaya sa ngayon na pag-usapan pa po.”

Continue reading below ↓

Nabanggit din ni Jennica sa interview na nagre-rent siya ngayon ng isang one-bedroom unit kasama ang kanyang dalawang anak.

Sina Jennica at Alwyn ay nagkaroon ng secret wedding noong February 2014.

JENNICA garcia USES HER MAIDEN NAME AGAIN

Samantala, may mga post din si Jennica sa social media na may indikasyong may pinagdaraanan ang pagsasama nila ni Alwyn.

Sa isang recent Instagram post, humihingi ng tulong si Jennica para sa pagpalit ng username at pangalan sa kanyang account.

Ang current IG account niya ngayon ay @jennicauytingco.

Caption ng aktres: “Hi Everybody! I need help. I wish to change my USERNAME and NAME here on Instagram but with every attempt, I am asked to contact support because my account is verified.

“When I send a support ticket, it won't get sent, error lumalabas.

“Would you know to which email/contact person/contact number I should reach out to regarding my concern? SALAMAT PO!”

Continue reading below ↓

Sa comments section, nabanggit ng mga netizen na napansin daw nilang pinalitan na ni Jennica ang kanyang married name, at ginamit ang kanyang maiden name sa kanyang Facebook page.

Jennica Garcia asks netizens about changing username in IG account

Sa sumunod niyang post, ibinahagi ng anak ni Jean Garcia ang larawan ng Bible verse na may highlight ng marker.

Ang verse ay tungkol sa pagprotekta ng Diyos sa mga nananampalataya sa Kanya at hindi pagtatagumpay ng mga nasa kadiliman.

Continue reading below ↓

Sa mahabang caption, ipinaliwanag ni Jennica ang tungkol sa rebelasyon dulot ng kanyang pananalig.

Binanggit din niya ritong may mga pagkakataong nagbabago ang mga taong inaasahan nating mag-aalaga sa atin.

Pero hindi raw dapat panghinaan ng loob.

Ani Jennica: “In life, it is natural for us to expect protection from someone we love the most.

“When the time comes, that person has a change of heart and we find ourselves all on our own. We crumble. We die inside.

“But in those moments I want you and me to remember one thing. YOU, ARE NEVER ALONE IN LIFE BECAUSE YOU ARE A CHILD OF GOD.”

Aniya pa: “Don't ever think that you are not chosen because man can only do so little but the LORD CAN DO IT ALL.

“You are loved, we can go through life with a smile. Maybe not today, but one day. So [let's] both hold on to our life because it is a gift.

Continue reading below ↓

“No one is too old to stop living. There is still TIME.

“Let's both look forward to a new life that the Lord will show us slowly, in his own timeline.”

IG Photo: Jennica Garcia posts bible verse

IG Caption: Jennica Garcia lengthy message about hope and time

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Jennica Garcia and Alwyn Uytingco call it quits? Netizens have noticed that Jennica has erased photos of her husband on her Instagram account and has returned to using her maiden name.
PHOTO/S: @jennicauytingco and @alwynzky on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results