Agaw-eksena ang car selfie ni Kris Bernal hindi lang dahil sa sexy ang kuha niya sa litrato kundi dahil napansin ng mapanuring netizens na baliktad ang pagkakasuot niya sa kanyang tube top.
Noong April 4, Easter Sunday, ibinahagi ni Kris ang kanyang litrato na may kalakip na inspirational message tungkol sa patuloy na pagtitiwala niya sa Diyos sa gitna ng pandemya.
Bahagi ng kanyang caption: "I always cling to this saying, 'Let God take the Driver’s seat'.
"When I can no longer take whats happening around me, I let God take over, ask for the higher power Jesus to take the wheel for me.
"And, He never fails to amaze me. His plans are always greater and more beautiful than mine."
NETIZENS' REACTIONS
Matapos ibahagi ni Kris ang kanyang post, marami sa mga followers niya ang pumuna na baliktad ang kanyang damit.
May mga pabirong nagtanong pa kung sinadya ba ni Kris na baliktad ang kanyang tube top bilang kanyang fashion style.
Narito ang ilang comments ng netizens:



KRIS bernal LAUGHS OFF HER FASHION MISTAKE
Hanggang sa wakas ay napansin ni Kris na baliktad nga ang kanyang suot na tube top sa litrato.
Hindi raw niya napansin dahil sa pagmamadali para gawin ang kanyang errand.
Kalakip ng laughing with tears emoji, sagot ni Kris sa comments section ng kanyang post:
"Yes, SHE-zums, it’s baliktad! Haha! I didn't even notice!
"But think of it as a style so I won’t get lost while driving. Joke!
"Even my clothes are trying to ride the April fools trend! LOL!
"Always in a rush getting ready or getting dressed.
"Don't make a big deal out of it. I'm not perfect, I make mistakes!"
Ni-repost din ni Kris via Instagram Story ang kuwela niyang paglabas ng bahay na baliktad ang damit.
Bahagya pa niyang nilakihan ang screenshot ng kanyang damit para ipakita ang kanyang kuwelang pagkakamali.
Tanong pa niya sa kanyang followers, "Has this ever happened to you?"
Sa huli, pabirong sinagot din ni Kris ang mga nagpadala ng mensahe sa kanya na "style" niyang suotin ng baliktad ang kanyang damit.

