Pinabulaanan ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad na pinagawa niya ang kanyang ilong.
Ayon sa 21-year-old actress, marami siyang natanggap na “rude” direct messages sa Instagram dahil sa sugat na makikita sa kanyang ilong. Ang akala kasi ng mga nagmensahe sa kanya ay nagpatangos siya ng ilong.
Sa kanyang Instagram Stories noong Biyernes, April 2, itinanggi ng dalaga na pinagalaw niya ang kanyang ilong.
Ang sugat daw sa kanyang ilong ay sanhi ng pagkalmot ng kanyang pusa at hindi dahil sumailalim siya sa platic surgery.
Dagdag pa ni Alexa, wala naman daw masama kung magpa-plastic surgery ang isang tao kung nanaisin nito.
Sabi niya, “Some of you are soooo funny!! Sending me rude dms coz you think i had a nose job coz of this 'scar' on my nose (as seen in my previous story)”
“You guys have to chill out!! 1st of all, my cat just scratched my nose hahahaha and 2nd, there is nothing wrong with getting plastic surgery if a person wanted to, periodtttt."
Sabi naman niya sa isa pa niyang caption, "I look pissed here coz I was. I just wanted some love but my cat said NOPE."

Si Alexa ay may dalawang alagang pets: isang asong Maltese na pinangalanan niyang Blush at isang Persian cat na Chill naman ang pangalan.
View this post on Instagram
Si Chill ang posibleng nangalmot ng kanyang ilong.
Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
