Fully recovered na mula sa pagpopositibo sa COVID-19 ang aktres na si Sunshine Cruz.
Dalawampu’t dalawang araw nilabanan ng Bagong Umaga star ang nakakatakot na virus infection.
Maiksing post niya sa Instagram ngayong hapon ng Biyernes, April 16: “22/14 Tested NEGATIVE [praying hands emoji] but feeling positive. [sunflower emoji]”
View this post on Instagram
Kaagad namang bumuhos ang mensahe ng pasasalamat mula sa mga kaibigan, tagahanga, kasamahan sa showbiz, at mga anak ni Sunshine sa kanyang post.
Ikinagalak din nila ang tuluyang paggaling ni Sunshine mula sa pagkakaroon ng virus.


COVID-19 Journey
Hindi naging madali ang laban ni Sunshine sa COVID-19.
Nakaranas siya ng mga sintomas ng mapaminsalang sakit na noong una ay inakala niyang asymptomatic siya.
Lumagpas din siya sa labing-apat na isolation days—mga araw na dapat ay gumaling na ang isang nagkasakit ng COVID-19—dahil umabot siya sa lagpas dalawampung araw.
Noong unang madiskubre ng aktres na nagpositibo siya sa sakit, umabot pa raw siya sa denial stage.
Bahagi ng kanyang rebelasyon noong April 14: “Unfortunately, I was exposed and tested Covid positive last March 27. When I got my RT-PCR result, I went through a denial stage.
“It took a while for reality to sink in, I thought I would be asymptomatic and would probably just isolate myself for 14 days to make sure that the people at home will be safe as well.
“But here I am still isolated with symptoms after already taking different kinds of strong antibiotics and medicines.”
