Humingi ng dispensa si Maine Mendoza sa mga nasaktan niya dahil sa kanyang "careless" tweets noong panahong hindi pa siya artista.
Lumalabas na may mga humalukay ng old tweets ni Maine at tila nahusgahan siya dahil sa mga nabitiwan niyang hindi magagandang salita sa mga nakakabangga niya noon sa Twitter world.
Mayroon din siyang prangkang opinyon tungkol sa karibal ng kanyang mga iniidolo at iba pang isyu.
Nakarating daw kay Maine na may mga dismayado sa kanyang old tweets kaya minabuti niyang maglabas ng opisyal na pahayag ukol dito.
Tweet ni Maine ngayong Biyernes ng gabi, April 16:
"Hi tweeps! I’ve been receiving a lot of messages about my tweets several years ago.
"Sending my sincerest apologies to those whom I have offended with my tweets way back then.
"It was my careless self talking and I didn’t mean to offend anyone. I am sincerely sorry."
Siniguro ni Maine na mas mature na siya pagdating sa pagpili ng mga salita para maiwasang makasakit ng tao.
Sana raw ay huwag na siyang husgahan sa bagay na nakaraan na.
Ani Maine: "Through the years, I have learned to be more careful with my thoughts and words – and how it would affect the people around me.
"Hope you hear me out this time.
"Praying for everyone’s safety and sanity in these trying times."

FAN REACTIONS
Ipinagtanggol naman si Maine ng kanyang fans hinggil sa isyu.
Hindi raw kailangan ni Maine mag-sorry sa isang bagay na matagal nang nangyari.

Sabi pa ng iba, ang mahalaga ay nag-mature na raw ang sensibilidad ngayon ni Maine lalo na pagdating sa mga mahahalagang isyu.

Mensahe ng ibang fans, kumpiyansa silang malaki ang ipinagbago ni Maine kumpara noong mas bata pa ito.

