Camille Trinidad half of top vlogging couple JaMill accuses boyfriend Jayzam Manabat of cheating

by Rose Garcia
Apr 18, 2021
jayzam manabat and camille trinidad aka jamill
Nag-trending mula pa kahapon ang Jamill couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Ayon sa social media posts ni Camille, diumano'y nambababae si Jayzam.
PHOTO/S: @Jamill Instagram

Trending ang top couple vloggers na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill.

Yun nga lang, hindi dahil sa sweetness o dahil kinikilig ang netizens sa kanila kaya sila nagte-trending, kundi dahil sa isyung diumano'y nambababae raw si Jayzam.

Sunud-sunod ang naging post ni Camille sa kanyang Facebook page kunsaan, naglabas ito ng kanyang saloobin at mga larawan ng diumano’y mga babae ni Jayzam.

Ayon pa kay Camille, “Akala ko tatlo, pero apat pala sila.”

JaMill Camille Trinidad proofs of Jayzam Manabat cheating

Continue reading below ↓

Nananatili namang tahimik lang sa isyung ito si Jayzam.

Kino-contact naman ngayon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang representatives at management ng couple para sa kanilang pahayag tungkol sa isyu.

Mananatiling bukas ang PEP.ph para sa kanilang paglilinaw at pahayag.

"ayaw na po namin na magkahiwalay kami"

Nakakapanghinayang lang kung mauuwi sa hiwalayan ang JaMill dahil ang pagiging sweet nila sa isa't isa ang isa sa dahilan kung bakit nagkaroon sila ng mahigit sa 12.2 million subscribers sa YouTube.

Bago pumutok ang “cheating issue,” nakapanayam pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Jayzam at Camille sa pamamagitan ng PEP Spotlight at ayon sa mga ito, sa panahon ng pandemya, mas lalo nilang nakilala ang isa’t isa.

Video: Rommel R. Llanes.

Ayon kay Jayzam, “Mas nakilala po namin ang isa’t isa noong kami na lang po ang nandito po. Maraming positive at maraming negative side rin po na nakilala namin ang isa’t isa.

"Mas natanggap po namin ang isa’t isa, mas nakabisado po namin ang isa’t isa.

Continue reading below ↓

“Tapos, parang mas naging focused kami sa buhay. Kasi, halos araw-araw, mukha namin yung nakikita. Mas lumayo po ang goal namin. Mas naalagaan po namin ang isa’t isa.”

Ayaw na raw nilang magkahiwalay pa sila kaya raw nagdesisyon na silang magsama sa isang bahay.

Mula sa Binangonan, sa Nueva Ecija na tumira si Jayzam.

Noong una, sa bahay pa nina Camille kasama ang mga magulang nito hanggang kalaunan, nagkaroon na nga sila ng sariling bahay.

“Kasi, ayaw na po namin na magkahiwalay kami. Kasi, yun po ang sinimulan ng love story po namin,” sabi ni Jayzam.

“Ang hirap,” saad naman ni Camille.

Dugtong pa ni Jayzam, “Mga isa o dalawang beses lang po kami sa isang buwan nagkikita. Kaya po siguro yun po ang unang ginawa namin ni Camile, nagsama na po kami.”

Sa panayam din ng PEP.ph sa kanilang dalawa, nabanggit nina Jayzam at Camille na napag-uusapan na rin naman nila ang kasal.

Continue reading below ↓

“Palagi po naming pinag-uusapan ang kasal. Kung kailan, kung kailan namin gusto,” mabilis na sagot ni Jayzam.

“Anytime naman po. Kaso, gusto namin yung pinaghahandaan. Isang beses ka lang ikakasal, e. So dapat yung memorable. Yung pinaghahandaan.

“Kapag inalala mo, parang ten years na nakalipas, pero kapag inalala mo, parang kahapon lang nangyari.”

THROUGH UPS AND DOWNS

Marami na ring naipundar sina Camille at Jayzam sa loob lang ng apat na taon nilang pagsasama.

Mula sa mga kita nila sa YouTube, endorsements, at mga negosyo, nakabili sila ng sariling bahay, mga mamahaling sasakyan, at iba pang mamahaling gamit.

Kaya't sa interview na ring iyon ng PEP.ph, tinanong namin kung naging isyu ba sa kanila ang pera bilang magkarelasyon.

“Yung pera, wala po sa amin yun, e,” sagot ni Jayzam.

“Ang ginagawa po namin, 50/50. Walang silipan. Kasi, ganun po ang nangyayari sa iba, ‘di ba, may nagtatago ng pera. Sa amin po, 50/50 po talaga kami kahit na anong mangyari.

Continue reading below ↓

“Technically po, kahit 50/50 kami, sa amin pa rin po yun kapag pinagsama.”

Larawan sila ng pagiging "ideal couple" o "couple goals" nung panahon ng interview na ito. Kaya't tinanong namin sila kung ang ang sikreto ng kanilang magandang relasyon.

Sagot ni Camille, “Siguro po, maging loyal lang talaga. Magtiwala sa partner mo.

“At saka, hindi naman na kami natatakot na baka ganito, ganyan. Kasi, mas magiging okey talaga ang relasyon kapag talagang malapit kayo kay Lord.

"Mas malapit kayo sa family kasi may gagabay sa inyo kung gagawin niyo ang ganito o hindi makakatulong sa inyo.”

Sinegundahan naman ito ni Jayzam ng, “Totoo, totoo.”

Inamin naman ni Jayzam na marami na rin daw silang pinagdaanan ni Camille, marami na rin daw silang pinagdiskusyunan, pinag-awayan.

“Sobrang dami po,” sabi nito.

“Sa relasyon, hindi naman po yan puro masaya. Marami po yang problema na magpapatibay sa inyo.

"Pero, ang maganda po sa amin, kapag may problema po kami, kapag nag-aaway po kami, sino-solve po namin in private. Hindi na po namin dinadamay ang public.

Continue reading below ↓

“Kasi, mas marami pang sasawsaw, e.”

Nang tanungin kung sa tingin ba nila ay sila na talaga at wala nang makapaghihiwalay sa kanila, sunud-sunod ang tango nina Camille at Jayzam.

“Wala po, wala na po,” ang nakangiting pagkumpirma ni Jayzam.

Sang-ayon naman si Camille na mas okay na sila na raw talaga.

“Mas okey pa rin na mag-stick na lang kayong dalawa kasi, kung mahal niyo naman talaga ang isa’t isa, bakit kayo maghihiwalay?”

Dugtong naman ni Jayzam, “Ako rin, na-realize ko na kaming dalawa na talaga dahil sa mga pinagdaanan namin.

"Through ups and down, nandiyan si Camille. Hindi lang sa kasiyahan, kahit sa kalungkutan, nandiyan siya. Yun po, kaya naisip ko, ito na yun.”

Pabirong hiniritan naman ni Camille ang boyfriend ng, “Parang napilitan ka naman.”

SOCIAL MEDIA STARS

Pero hindi nga nanatiling pribado ang pinagdadaanan ngayon nina Camille at Jayzam.

Bilang social media celebrities, sa social media rin nalaman ng publiko na may problema ngayon ang magkasintahan nang mag-post si Camille sa kanyang Facebook at Twitter accounts.

Continue reading below ↓

Sa loob lang nang ilang minuto, nag-trending sa Twitter kahapon, April 17 ang "Jamill," "Jayzam," at "Camille."

Ito'y matapos na i-post ni Camille sa Twitter ang mga tweets na ito:

"Yung akala mong hindi mo mararanasan taena dadating din pala sayo"

"Kahit anong tago lalabas at lalabas padin ang lahat"

Camille Trinidad cryptic posts on Twitter

Continue reading below ↓

Camille Trinidad cryptic posts on Twitter

Marami agad sa kanilang followers ang nahinuha kung ano ang problema, lalo na nang mag-post si Camille sa kanyang Facebook ng mga larawan ng mga diumano'y babae ni Jayzam.

Ironically, sa Facebook din nagsimula ang love story ng Jamill.

Doon daw unang nakita ni Jayzam si Camille.

Continue reading below ↓

“Crush ko siya, e,” tila may kilig pang lahad nito.

“Parang nagse-send siya ng mga videos and pictures niya, nakikita ko sa computer shop. Sabi ko, ang ganda nito, ah! Mga tropa-tropa po, ganun.

“Nag-aano si Camille ng Musically, parang yun ang TikTok noon.

"'Pre, anong pangalan niyan? Ang ganda a!' 'Camille Trinidad. I-chat ko nga.'

"Naka-ilang chat po ako, mga sampung mahigit po bago ako napansin. 'Tapos yun, niligawan ko po.”

Long-distance relationship pa raw sila noon bilang taga-Nueva Ecija si Camille at taga-Binangonan, Rizal naman si Jayzam.

Nagkikita lang daw sila sa Cubao at wala pa raw silang pera noon.

Pagbabalik-tanaw pa ni Jayzam, nagtitinda raw si Camille ng yema para may pang-date sila habang siya naman daw, sumubok na magtinda ng pastillas sa school, pero pinagtawanan daw siya ng mga kabarkada.

Sa Facebook daw sila nagsimula na mag-share ng mga kaganapan sa relasyon nila. Hanggang sa pasukin nga nila ang YouTube.

Continue reading below ↓

Ayon kay Jayzam, “Sikat-sikat lang kami no’n, masaya na kami. Kahit walang pangkain, masaya na po kami no’n, basta nagti-trending ang video namin sa Facebook noon.

“'Tapos, may nag-advice po sa amin na, 'Subukan niyo ang You Tube.' Doon po nagsimula na mabago ang buhay namin.”

WHAT THE "MANDIRIGMA" LIKED ABOUT JAMILL

Mula Facebook hanggang YouTube, sinundan sila ng kanilang mga tagahanga. Mga tagahangang tuwang-tuwa sa kanilang relasyon.

May palagay si Jayzam kung bakit sila nagustuhan ng mga taon.

"Feeling ko po kasi, ang ganda ng combination namin na ako po, sobrang ingay na tao tapos si Camille, sobrang kalmado.

“Parang balance po. May moment na kalmado, peaceful tingnan. May moment na sobrang kalokohan, sobrang saya. May moment na may aral na naibibigay at may mga moments na ‘wag sanang tularan, balance na balance po, parang yin-yang.”

Yung pagiging totoo rin daw nila ang sa tingin nila'y nagustuhan din sa kanila ng mga “Mandirigma"— ang tawag nila sa kanilang followers.

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Camille, “Siguro po, talagang nakikita nila yung pure love.”

HOT STORIES

PEP.ph is now on Quento! Click the links below to download the app and enjoy more articles and videos from PEP.ph and your favorite websites!

On Android devices: https://bit.ly/3gaVs8O

On iOS devices: https://apple.co/3stitGq

On Desktop: https://www.quento.com.ph/

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending mula pa kahapon ang Jamill couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Ayon sa social media posts ni Camille, diumano'y nambababae si Jayzam.
PHOTO/S: @Jamill Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results