Comedian Ate Gay grateful for second life: “Buti daw at ginusto kong gumaling.”

by Arniel C. Serato
Apr 19, 2021
Comedian Ate Gay: "Nagpagaling nagpalakas... tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay... sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito."
PHOTO/S: Courtesy: @ategay08 on Instagram / Gil Aducal Morales on Facebook

“Sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito.”

Ito ang rebelasyon ng komedyanteng si Ate Gay sa kanyang Facebook followers kahapon, April 18.

Masuwerte raw siya at nakaligtas sa tiyak na kapahamakan dahil sa sakit na pneumonia.

Sa isang post ni Ate Gay—Gil Morales sa totoong buhaymakikita ang kanyang nangangayayat na hita na tila may pantal.

Sabi niya sa caption, “Nagpagaling nagpalakas

“.. tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay

“.. sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito... buti daw at ginusto kong gumaling...”

Sa isa pa niyang post, makikita naman ang lips ni Ate Gay na may mga gumagaling nang sugat.

Sabi niya tungkol dito, “Isa ito sa tiniis ko.. na nalampasan ko... tiniis kong kumain para mabuhay salamat sa lugaw champorado sopas na bumuhay sa akin ng 20days.

“maraming salamat Lord”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanya namang Instagram, nagbahagi si Ate Gay ng TikTok video niya na kumakanta.

Caption niya, “Magaling na ako. thank you Jesus (four heart emojis)”

View this post on Instagram

A post shared by Gil (@ategay08)

Nagpaabot naman ng mensahe ng kagalakan at pagpapasalamat sa Diyos ang ilang kaibigang celebrities ng komedyante na sina Giselle Sanchez, Maui Taylor, Teejay Marquez, at Ogie Alcasid.

Cleb friends thankful for Ate Gay recovery

Isinugod sa ospital si Ate Gay noong katapusan ng Marso dahil sa pneumonia na nagpapahina raw sa kanyang immune system.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Ate Gay, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian Ate Gay: "Nagpagaling nagpalakas... tiniis ko dahil sa kagustuhan kong mabuhay... sabi ng doktor pangalawang buhay ko na daw ito."
PHOTO/S: Courtesy: @ategay08 on Instagram / Gil Aducal Morales on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results