Pumanaw na ang ina ni Geneva Cruz na si Marilyn Cruz ngayong Lunes, April 19.
Inanunsiyo ito ng singer-actress sa kanyang Instagram at Facebook page.
Buong post ni Geneva: “With hearts broken and full of sorrow, our family would like to let you know that our Mom and Grandmother, Marilyn Cruz (@lynne_bunso), is now in heaven.
“[disappointed face, praying hands emojis] We will forever remember each of you who prayed and helped in whatever way that you can.
“She is gone too soon, and no one can ever replace her in our hearts. See you on the other side, mama...
View this post on Instagram
Kaninang umaga lamang, inanunsiyo pa ni Geneva na kailangan nang i-intubate ang kanyang ina dahil lumala ang kalagayan nito.
Bumaba rin daw ang oxygen level nito.
Hindi rin daw maintindihan ng dating Smokey Mountain member kung bakit biglang grumabe ang kundisyon ng ina gayong maayos na raw ang pakiramdam nito kahapon, April 18.
Sabi pa niya sa kanyang Instagram post, “My mom’s blood oxygen is only 46 because of her severe pneumonia. She needs to be intubated. [disappointed face]
“This was her yesterday. How can she not be okay today when she was okay yesterday?! I don’t understand this!!!
"She’s supposed to get better. We are asking for prayers. Please. [disappointed face, praying hands emojis]
“#prayersformama”
View this post on Instagram
Noong April 11, ipinaalam ni Geneva sa kanyang followers sa social media na nagpositibo ang kanyang ina sa COVID-19.
Dasal ang hiniling ng singer noon para sa ikagagaling ng ina.
Ngunit makalipas ang mahigit isang linggo ay pumanaw ang ina ni Geneva.
