Gabbi Garcia lashes back at basher of her community pantry

by Arniel C. Serato
Apr 22, 2021
Gabbi Garcia sets up her own community pantry: "This is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way."
PHOTO/S: Courtesy: @gabbi on Instagram

Dahil sa pagsulpot ng mga community pantry, nakipagbayanihan na rin ang maraming Pilipinong nakakaangat sa buhay.

Layunin nila ang makapagbigay ng kaunting tulong, sa pamamagitan ng libreng pagkain, sa mga kababayan nating labis nahihirapan sa buhay sa gitna ng kinakaharap nating pandemya.

Nagsimula ang ganitong klaseng bayanihan sa Maginhawa, Quezon City, na pinangunahan ni Ana Patricia Non.

Ngayon, maraming bahagi na ng bansa ang may kanya-kanyang community pantry.

Isa sa mga nakiisa sa bayanihang ito ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

Kahapon, April 21, pinangunahan ni Gabbi ang pagtatayo ng sarili nilang community pantry sa BF Northwest, Parañaque City.

Makikita sa itinayo niyang inisyatibo ang groceries, bigas, gulay, at iba pa.

Sabi niya sa caption, ito ang paraan niya upang umengganyo sa iba pang may mabubuting puso na tumulong din sa kapwa.

Saad ni Gabbi, “Posting this with nothing but pure and good intentions [heart emoji] this is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way. [praying hands emoji]

“thank you to our small community for making this possible! [two hearts emoji] thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more! [sparkles emoji]

“to all the community pantries, SALAMAT SAINYO!!! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan [praying hands, heart emojis]”

Continue reading below ↓

View this post on Instagram

A post shared by Gabbi Garcia ? (@gabbi)

GABBI REPLIES TO A BASHER'S COMMENT

Sa comments section, daan-daang komento ang bumuhos upang papurihan ang magandang gawaing ito ng Kapuso star.

Pero may isang nakalusot na tila pinulaan pa ang naging hakbang ni Gabbi.

Komento ng netizen, “Kailangan gawin muna ng mga walang kaya sa buhay to bago gawin ng mga may kaya? Haysss.

“Kung hindi pa gagawin to ng mga salat sa buhay hindi din gagawin ng mga mayayaman!”

Hindi naman siya inurungan ni Gabbi.

Ayon sa aktres, hindi niya kailangan ang negatibong opinyon sa magandang layunin nila sa pagtatayo ng community pantry.

Tugon ni Gabbi, “hindi ko po kailangan ang iyong negative na opinion sa IG ko, ____ Kung gusto niyo nga po palang mag donate o tumulong, pwede niyo po ako imessage. Salamat!”

Gabbi Garcia replies to basher of her community pantry

Continue reading below ↓

Pinagtanggol naman si Gabbi ng ilang followers niya laban sa basher.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabbi Garcia sets up her own community pantry: "This is to inspire everyone that despite of the situation, we can all help each other in our own little way."
PHOTO/S: Courtesy: @gabbi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results