Nagpositibo sa COVID-19 ang ABS-CBN broadcaster at TV Patrol anchor na si Bernadette Sembrano.
Ito ang kanyang inanunsiyo sa Instagram ngayong gabi ng Huwebes, April 22.
Ayon kay Bernadette, nagulat siya kung saan niya nakuha ang virus o kung kanino siya nahawa.
Pero asymptomatic naman daw siya.
Pahayag ni Bernadette, “I just wanted to inform you that I tested positive for COVID.
“Nagulat din po ako. Kasi wala akong nararamdaman at all.
“In fact, I feel healthy. Wala pong symptoms.
“Pero meron kaming mandatory RT-PCR test sa work, so when it came out, nawindang din ako.”
Nais daw maipalaganap ni Bernadette sa publiko na hindi lahat ng nagkakasakit ng COVID-19 ay naoospital.
Karamihan kasi ng katulad niyang asymptomatic, at yung mga hindi pa nati-test, ay patuloy na nanghahawa ng virus sa pakikihalubilo ng mga ito sa ibang tao.
Saad niya, “But anyway, I am coming out para lang ma-enlighten ang marami sa atin.
“Kadalasan ang iniisip natin, pag COVID, yun pong mga pasyenteng mahina ang katawan na may tubo, nangangayayat, inuubo.
“Pero marami po ang kagaya ko na asymptomatic.
“Asymptomatic na feeling mo wala kayong sakit. Wala kayong COVID at patuloy po tayong naghahalubilo kasama ang ibang tao.
"'Yon yung nakakatakot kasi we can be endangering the lives of the people around us and the lives of our loved ones.
“So please practice the health protocols, coz we are doing it not only to protect ourselves, we are doing it to protect our loved ones.”
Hinikayat din ni Bernadette ang publiko na magpabakuna kung pagkakataon na nilang mabakunahan sa kanilang mga lugar.
Dagdag niya, “Magpa-vaccinate na rin tayo.
“I still believe that we can thrive and outsmart the virus.
“Alam naman natin yung gagawin natin, e. Nakalusot, pero sa awa ng Diyos, na-test agad at nakapag-isolate agad.
“So let's just really pray for the best. I'm praying for you, please pray for us too.
"Kaya natin ‘yan. You take care and God bless you.
“So, keep on praying. Sa panahon ngayon, hindi natin kaaway ang isa't isa.
"Ang kaaway natin, COVID.
“So, hopefully we can fight this together.
“So, God bless you and God bless everybody.”
View this post on Instagram
Nauna nang naiulat ng PEP Troika kahapon, April 21, na nag-self-quarantine si Bernadette at ang co-anchor niyang si Henry Omaga-Diaz.
Pansamantalang sinamahan nina Karen Davila at Alvin Elchico si Julius Babao sa primetime broadcast ng news program ng ABS-CBN.
