Kapuso star Lovi Poe asked if she is transferring to ABS-CBN

by Rachelle Siazon
Apr 30, 2021
Kapuso actress Lovi Poe on rumored transfer to ABS-CBN: "I think it's only fair to keep things private at this stage. And all negotiations are confidential at this very moment."

Napangiti si Lovi Poe nang hindi maiwasang hingan siya ng reaksiyon sa usap-usapan kung may plano nga ba siyang lumipat ng ABS-CBN.

Si Lovi ay kilalang Kapuso star na kasalukuyang napapanood sa GMA-7 prime-time series na Owe My Love.

Pasimpleng tinanong si Lovi kung sa GMA-7 o sa ABS-CBN ba siya susunod na mapapanood na suot ang iniendorso niyang Imono jewelry.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik si Lovi sa pagsasabing nasa proseso ng negosasyon ang tungkol sa anumang kontrata niya sa ngayon.

Diretsong sagot ni Lovi, "Well, I guess, I think it's only fair to keep things private at this stage. And all negotiations are confidential at this very moment."

Inihayag ito ni Lovi sa virtual presscon ng Imono jewelry kahapon, April 29.

PROGRAM CONTRACT WITH GMA-7

Noong araw ring iyon, tinanong ni Gorgy Rula ng PEP Troika ang manager ni Lovi na si Leo Dominguez kung tuloy ba ang paglipat ni Lovi sa ABS-CBN o magre-renew ng kontrata ang aktres sa GMA Network.

Continue reading below ↓

Simpleng sagot ni Leo, "Good morning. Meron pa siyang program contract ng Owe My Love Until end of May."

Base rito, malinaw na may commitment pa si Lovi sa GMA-7 hanggang Mayo, at pagkatapos nito ay saka magkakaalaman kung ano ang susunod na hakbang ng aktres.

July 2016 nang huling mag-renew si Lovi ng exclusive contract sa GMA-7, at sinasabing nagtapos iyon noon pang July 2020.

COUNTER-OFFER FROM GMA-7?

Nitong April 2021, umugong ang bali-balitang posibleng mag-ober da bakod ang aktres.

Napabilang din si Lovi sa mga artistang sinasabi ng netizens na nababagay gumanap bilang mistress sa ABS-CBN adaptation ng Doctor Foster.

Pero nitong April 26, nakasaad sa artikulo ng PEP Troika na naulinigang posibleng maudlot ang hinihinalang planong paglipat ni Lovi sa Kapamilya network.

Ayon sa source ng PEP Troika, pinigilan umano si Lovi ng GMA-7 at may counter-offer daw para sa renewal ng contract niya.

Kung anu't anuman, nag-promote si Lovi ng ongoing series niya sa GMA-7 nang makausap siya ng media reporters kahapon.

Continue reading below ↓

"Owe My Love is airing and that's something na sana patuloy niyo suportahan at subaybayan.

"Also, my movie, that's coming out soon. I'll be wearing a very important Imono piece, which I asked for for our movie," nakangiting saad ni Lovi.

Kasalukuyang nasa U.S. si Lovi para mag-record ng kanta roon at para bisitahin ang kanyang nobyo na si Monty Blencowe.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Lovi Poe on rumored transfer to ABS-CBN: "I think it's only fair to keep things private at this stage. And all negotiations are confidential at this very moment."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results