Neri Naig denies claim that husband Chito Miranda is now financially dependent on her

by Arniel C. Serato
Apr 30, 2021
Neri Naig on husband Chito Miranda: "May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera."
PHOTO/S: Courtesy: @mrsnerimiranda on Instagram

Mahinahong ipinaliwanag ni Neri Naig sa isang netizen ang hatian sa pinansiyal na bagay nila ng asawang si Parokya Ni Edgar lead vocalist Chito Miranda.

Isang netizen kasi ang nagtanong kay Neri kung sa kanya na ba sumasandal sa buhay ang asawa.

Ito ay matapos i-post ni Neri ang plano ng ipapagawa nilang farm sa Alfonso, Cavite kung saan doon na raw sila pansamantalang maninirahan.

Napagkasunduan daw nilang mag-asawa na roon na muna mamalagi sa probinsiya habang may pandemya.

Healthy living daw ang pangunahin nilang layunin sa kanilang desisyon.

Saad ng actress-turned-businesswoman, “Miranda's Farm House.... soon!

“We decided na tumira na talaga sa farm dito pa rin syempre sa Alfonso.

“Mas magiging healthy living talaga dahil magiging malaki na ang taniman ko ng mga gulay at dito ko na rin kukunin mga vegetables na gagamitin ko sa pagtutuyo ko.

“Mag aalaga kami ng mga manok para everyday may fresh eggs kami.

Continue reading below ↓

“Hindi ko alam kung kaya pang mag alaga ng baka para may fresh milk, ayun kase request ni Miggy at pig daw. Nasarapan sa lechon.

Doon na rin daw patitirahin ni Neri ang kanyang ina. May kuwarto rin daw silang nakalaan para sa mga magulang ni Chito kapag nais ng mga itong bumisita sa lugar.

Mas maganda raw na napapalibutan ng kanyang grandparents ang anak nilang si Miggy habang ito ay lumalaki.

Saad ni Neri, “Dito rin titira nanay ko, lagyan namin sya ng room nya na diretso na sa garden. Mas hahaba ang buhay ng nanay ko kapag nagtatanim at napapaligiran ng halaman.

“At least pwede syang mag ikot ikot sa farm na di kami matatakot kung mahahawa ba sya ng virus.

“Maglalagay din kami ng isa pang room para sa in laws ko naman kapag magbakasyon sila.

“Maganda rin na lalaki si Miggy na napapaligiran ng mga lola at lolo.”

Continue reading below ↓

Pamilya raw ang motibasyon niya sa kanyang pagsisikap. Kaya patuloy siyang kumakayod para sa kanyang mga pangarap para sa kanila.

Sabi ni Neri, “Kaya kayod ng kayod laaaaang. Napapagod, magpapahinga lang, pero NEVER susuko.

“Para sa pamilya, go lang! Ayan ang greatest motivation ko, ang pamilya ko.

“Masarap mangarap at unti unting tinutupad kasama ang ating pamilya.

“Thankful ako sa lahat ng Team Wais members, distributors, resellers, Team Wais Production Staff, Team Wais Admin, my TMI family, sa lahat ng brands at companies na naniniwala sa akin hanggang ngayon, sa lahaaaat ng bumibili ng mga tinitinda namin.

“Thaaaaaaaaank you! Tinutupad nyo po ang mga pangarap namin, kaming mga tindera po na patuloy na nangangarap at kumakayod para sa pamilya."

“KAY CHITO AKO NATUTONG HUMAWAK NG PERA”

Sa comments section, isang curious netizen ang nag-usisa sa ambag ni Chito sa nakaplano nilang farmhouse.

Tanong nito, “Ikaw na po bumubuhay kay chito? Or share kayo sa pagawa ng bahay? Lagi kasing ako or ko ang nasa post mo.”

Continue reading below ↓

Netizen asks Neri Naig if husband Chito Miranda is financially dependent to her

Paliwanag ni Neri, may kanya-kanya silang investments ng asawa.

Kay Chito rin daw siya natutong humawak ng pera.

Ngayong halos walang gig ang banda ng asawa, umaasa raw sila ngayon sa marami paupahang naipundar ni Chito. Dun pa lamang daw ay mabubuhay na sila.

Buong paliwanag ni Neri, “may kanya kanya kaming investments. May kanya kanya kaming pera pero sya ang nagbibigay ng monthly allowance para sa bahay.

Continue reading below ↓

“Kahit wala sya masyadong gigs, ang dami naman nyang investments katulad ng mga paupahan.

“May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera."

Neri Naig explains their financial setup

Pabiro namang sagot ni Chito sa netizen, “oo din...kasi kung wala si Neri matagal na akong patay.”

Continue reading below ↓

Chito Miranda reply

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig on husband Chito Miranda: "May mga townhouse at condos syang pinapaupahan, dun palang solb na kami. Kay Chito ako natutong humawak ng pera."
PHOTO/S: Courtesy: @mrsnerimiranda on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results