Angel Locsin provides cash assistance to a stranger in hospital

by Arniel C. Serato
May 3, 2021
Short video of Angel Locsin giving financial aid to a weeping father goes viral.
PHOTO/S: Courtesy: @dagamiRRT on Twitter

Pinag-uusapan sa Twitter ang viral post ng isang netizen na isang 17-second video ng actress-philanthropist na si Angel Locsin.

Mapapanood sa video ang kusang pag-abot ni Angel ng pera sa isang lalaki sa ospital na diumano'y umiiyak dahil nangangailangan ng tulong para sa kanyang anak.

Ayon sa uploader ng video, bigla na lamang daw lumapit si Angel sa lalaki at nag-abot ng kaunting tulong.

Maririnig sa video na ang perang inabot ni Angel ay nakatago sa kanyang wallet at pampasuwerte raw ito sa kanya.

Sabi sa Twitter post ni @dagamiRRT (published as is), “Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak.

“At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad

“Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu

“Godbless!”

Continue reading below ↓

Marami namang netizens ang pumuri sa kagandahang loob ng aktres.

Continue reading below ↓

Hindi na bago ang kusang-loob na pagtulong ni Angel sa mga nangangailangan.

Kapag may trahedya o delubyong nangyayari sa bansa, at maging ngayong may pandemya, asahang gagawa ng paraan ang 36-year-old Kapamilya actress upang makatulong sa mga biktima.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, hardcore fans
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Short video of Angel Locsin giving financial aid to a weeping father goes viral.
PHOTO/S: Courtesy: @dagamiRRT on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results