Robin Padilla draws flak for citing DLSU as "Spanish-established school"

by Rachelle Siazon
May 4, 2021
History group on Robin Padilla declaring DLSU as a Spanish-established school: "Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano... These are irrefutable historical facts. Walang personalan. Katotohanan lang po."
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook

Inulan ng batikos si Robin Padilla matapos niyang ihayag na ang De La Salle University (DLSU) ay itinatag noong panahong sakop ng Espanya ang Pilipinas.

Kaugnay ito ng pakikipagdebate ng aktor sa isang netizen na kinuwestiyon ang paninindigan niya na ang bayaning si Lapulapu ay isang Muslim.

Sa kanyang Facebook post noong Linggo, May 2, nangatuwiran si Robin na ang "Spanish-established schools" gaya raw ng Ateneo de Manila University (ADMU), DLSU, at University of Sto. Tomas (UST) ay siguradong kokontrahin ang paniniwala niya.

Kinunekta ni Robin ang kanyang pananaw sa centuries-old series of battles sa pagitan ng mga Reconquista o mga mananakop na Espanyol at mga Moro.

Hindi raw matatanggap ng Spanish schools na ang gumapi kay Ferdinand Magellan ay isang Muslim na si Lapulapu.

Bahagi ng pahayag ni Robin (published as is): "Wow Tricia Lexii you got to be kidding.

"Are you from Ateneo? de la salle? UST? All Spanish established schools for insulares, peninsulares and mestizos

Continue reading below ↓

"You don’t need to be a doctor of anything to accept reality.

"No Reconquista will accept a defeat from a moor/Moro.

"Historians from this Reconquista schools will definitely say I am liar and a fool."

Robin Padilla DLSU wrong information

DLSU WAS NOT FOUNDED DURING SPANISH ERA

Mali ang impormasyon ni Robin na ang DLSU ay itinatag noong panahong sakop ng Espanya ang Pilipinas.

Continue reading below ↓

Isang non-partisan group na tinatawag na High School Philippine History Movement ang nagkorek kay Robin, at sinabing ang DLSU ay itinatag noong panahon ng American colonization sa bansa.

Sabi sa Facebook page ng grupo ngayong Lunes, May 3:

"Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano.

"Una itong nagtanggap ng mga 125 mag-aaral.

"Itinatag ito sa tulong ng mga katolikong brothers, ang 'Institute of the Brothers of the Christian Schools' (FSC) o mas kilala bilang Lasallian Brothers.

"Hindi po ito itinatag noong panahon ng Espanyol o ng mga Kastilang prayle.

"These are irrefutable historical facts. Walang personalan. Katotohanan lang po.

"Makinig po tayo sa mga eksperto.

"Iwasan pong magpaniwala sa mga pseudohistorians o sa mga kung sinu-sino lang.

“Ibalik ang Philippine History sa High School!

"Kasaysayan huwag kalimutan!"

High School Philippine History Movement calls out Robin Padilla

Continue reading below ↓

"DAPAT TINANONG NIYA MUNA SI MARIEL"

May iba namang netizens ang nagsabing sana raw ay nagtanong muna si Robin sa asawa niyang si Mariel Rodriguez na nag-aral sa De La Salle Santiago Zobel School at nagtapos ng kolehiyo sa DLSU.

Netizens urge Robin Padilla to ask wife and DLSU alumni Mariel Rodriguez

Netizens urge Robin Padilla to ask wife and DLSU alumni Mariel Rodriguez

Continue reading below ↓

Netizens urge Robin Padilla to ask wife and DLSU alumni Mariel Rodriguez

Sa kabilang banda, ang Ateneo ay itinatag ng Spanish Jesuits noong 1859; habang ang UST ay itinatag ng ikatlong Archbishop of Manila na si Miguel de Benavides noong 1611.

ROBIN INSISTS THAT LAPULAPU IS A MUSLIM

Nag-ugat ang isyu nang depensahan ni Robin ang kaibigan niyang si Senator Bong Go, na unang naging laman ng balita dahil sa paghayag sa speech nito na si Lapulapu ay nagmula sa Sulu, Mindanao.

Continue reading below ↓

Sa kanyang Facebook Live noong April 29, nanindigan si Robin na si Lapulapu ay isang Muslim, base raw sa kaalaman niya mula sa nabasang libro na History of Muslim Spain.

Iyon din daw ang natutunan ni Robin nang magbakasyon sa Spain para personal na matutunan ang history tungkol sa mga naunang Muslim sa Spain.

Ipinaliwanag din ni Robin ang kanyang pakikipagpalitan ng mensahe sa isang historian na nagsabi sa kanyang may impormasyong nagsasabing may mga sinaunang Muslim na nanirahan noon sa Mactan.

Pero base rin sa paglalahad ni Robin, hindi naman tuwirang sinabi ng historian na kausap niya na Muslim nga si Lapulapu.

Dagdag niya sa comments section ng kanyang Facebook Live (published as is):

"walang mali sa usapin dito ang mahalaga ay kung San ka naniniwala na kwento.

"Kung sa inyo si lapu lapu ay pintados abay ok yan, the pintados once upon a time invaded China.

"sa Amin si lapu lapu ay muslim. Wala naman makapagsasabi kung ano talaga ang pangyayari."

Continue reading below ↓

FACTS ABOUT LAPULAPU

Taliwas sa itinuturo sa Philippine history ang paniniwalang isang Muslim si Lapulapu.

Ang tanging malinaw na impormasyon ay si Lapulapu ang chieftain sa Mactan, Cebu nang maganap ang pakikipagdigmaan nito sa Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa Battle of Mactan noong April 27, 1521.

Sabi sa official statement ng The National Historical Commission of The Philippines (NHCP):

"What we know about him are based on the accounts of the survivors of the first circumnavigation of the world, especially Antonio Pigafetta, the chronicler of the Magellan-Elcano expedition, who mentioned that during the Battle of Mactan (27 April 1521), Lapulapu was the chieftain of Mactan.

"NHCP considers all popular accounts and stories outside of these historical sources as speculative and folkloric and should not be regarded as established facts of history.

NHCP official statement

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
History group on Robin Padilla declaring DLSU as a Spanish-established school: "Ang De La Salle University (DLSU-Manila) ay itinatag noong June 16, 1911 noong panahon ng mga Amerikano... These are irrefutable historical facts. Walang personalan. Katotohanan lang po."
PHOTO/S: Robin Padilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results