Pia Wurtzbach’s classy response to “MISS COPYCAT” allegation

by Bernie V. Franco
May 8, 2021
Pia Wurtzbach reacts to allegation that she is a "copycat." (Center) Pia's winning gown at the Miss Universe 2015 and Hollywood actress Keke Palmer at the 2014 Emmy Awards.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram / Instagram/RCFA

Fit for a queen ang pagpatol ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang Indonesian pageant fan na may intensiyong bahiran ang kanyang reputasyon.

Tinawag kasing “MISS COPYCAT” ng taga-Indonesia si Pia matapos ihambing ang kanyang winning blue gown at ang gown ng American singer-actress na si Keke Palmer sa isang Hollywood awards night noong 2014.

Malaki kasi ang pagkakahalintulad ng blue gown na isinuot ni Pia sa Miss Universe 2015 pageant noong December 2015, sa bughaw na gown ni Keke Palmer sa Emmy Awards noong August 2014.

Ang gown ni Pia ay gawa ng Filipino fashion designer na si Albert Andrada habang ang gown ni Keke ay disenyo ng Russian couturier na si Rubin Singer.

Pia Wurtzbach, Keke Palmer

Continue reading below ↓

INDONESIAN PAGEANT FAN THROWS SHADE AT PIA

Recently, ipinost sa Instagram ng Indonesian pageant fan ang magkatabing larawan nina Pia at Keke.

Nilapatan ang larawan ng statement na “TO MUCH INSPIRASON KAK [HEART EMOJI]” na tila ang English translation ay “too much inspiration sis.”

Caption ng Indonesian pageant fan sa post: “MISS COPYCAT @piawurtzbach” na sinundan ng maraming thumbs down emojis

Pia Wurtzbach, Keke Palmer

Continue reading below ↓

PIA’S WINNING RESPONSE

Hindi nakalusot kay Pia ang paninira ng Indonesian pageant fan.

Sumagot ang Filipino-German beauty queen ng wink emoji, indikasyong hindi niya ikinaiinsulto ang pagtawag sa kanyang gaya-gaya.

Sapul naman ang sumunod niyang comment bagamat constructive.

Ang sagot niya ay ang mga sumusunod na hashtags: “#WINNER #PHILIPPINES #POWERHOUSE.”

Pia Wurtzbach response to Miss Copycat comment

Continue reading below ↓

Animo’y nais iparating ni Pia na pinaratangan man siyang copycat, siya pa rin, na isang Pilipina, ang nanalo sa most prestigious international beauty pageant.

At sa kabila ng name-calling, hindi magbabago ang katotohanang powerhouse na maituturing ang Pilipinas pagdating sa Miss Universe pageant.

May mga netizens na natuwa at natawa sa very classy na patutsada ni Pia.

Meron din namang nakiusap na huwag na lang pansinin ni Pia ang kanyang kritiko, habang may mga Indonesians na humingi ng paumanhin sa ginawa ng kanilang kababayan.

Mayroon ding sumita sa Indonesian pageant fan sa inasal nito sa kabila ng pagpapakita ng suporta ni Pia sa Indonesians.

Fans supports Pia Wurtzbach

Continue reading below ↓

Fan apologizes to Pia in behalf of the Indonesia fans

Fan apologizes to Pia in behalf of the Indonesia fans

Continue reading below ↓

Samantala, kapansin-pansin namang nag-private na ang account ng Indonesian pageant fan.

Gayunpaman, maraming supporters ni Pia ang nakapag-screenshot ng kanyang comment at kumalat ito sa social media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia Wurtzbach reacts to allegation that she is a "copycat." (Center) Pia's winning gown at the Miss Universe 2015 and Hollywood actress Keke Palmer at the 2014 Emmy Awards.
PHOTO/S: @piawurtzbach on Instagram / Instagram/RCFA
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results