Ipinaabot ni Matteo Guidicelli ang Mother’s Day greeting sa kanyang mother-in-law na si Divine Geronimo o mas kilala sa tawag na Mommy Divine.
Lubos naman ang galak ng netizens sa effort ni Matteo para sa ina ng kanyang asawang si Sarah Geronimo.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na may lamat ang relasyon ni Matteo sa pamilya ng kanyang misis.
Ito ay dahil sa inilihim nina Sarah at Matteo ang kanilang kasal sa pamilya ni Sarah noong February 20, 2020.
Pero sa kabila nito, may mga pagkakataong nagsasabi si Matteo na umaasa siyang maayos din ang relasyon niya sa kanyang in-laws.
MATTEO GREETS MOMMY DIVINE
Ngayong araw, May 8, nag-post si Matteo ng cooking video para sa isang product endorsement sa kanyang Instagram.
Nagluto siya ng pesto pasta na aniya ay magandang surprise para sa mga ina para sa Mother’s Day, May 9.
Pero ang nakapukaw sa atensiyon ng netizens ay ang pagbati niya sa kanyang ina na si Glenna Guidicelli at kay Mommy Divine.
Caption ng aktor: “A special treat for our mama!
“It’s not always easy to find the right way to express our feelings, but sometimes, a simple gesture like preparing a plate of pasta can truly become the best one.
“Spread your appreciation to your moms and make it extra special with @barilla!
“Happy Mother’s Day to my mama Glenna and mommy Divine.”
Ginamit pa niya ang hashtag na #ASignOfLove
MATTEO RECEIVES POSITIVE FEEDBACK
Bagamat simple ang kanyang pagbati kay Mommy Divine, ikinagalak ito ng maraming netizens, kabilang na si Ogie Alcasid.
Nagkomento si Ogie ng dalawang pares ng raise hands emoji, tanda ng paghanga niya sa post ni Matteo.
Si Ogie at asawang si Regine Velasquez ay kilalang malapit na kaibigan nina Matteo at Sarah.
Sabi naman ng isang netizen: “Keep going Matt mapapalamabot mo din ang puso ni Mommy Divine soon.”
“I love it when you say Mommy Divine,” komento naman ng isa.

Marami ang nagpahayag ng tuwa sa simpleng paglagay ng “mommy Divine” ni Matteo sa kanyang caption.
Hinangaan nila si Matteo sa simpleng gesture niyang ito.



Sa isang interview kay Matteo noong December 2020, sinabi ni Matteo na umaasa siya na darating ang araw na magkakaayos ang kanyang pamilya at pamilya ni Sarah.
"Oh, my gosh, I imagine it all the time. I imagine it all the time,” aniya.
“Not just for me but, obviously, of course, primarily for my wife. But also for my family, my parents.
“I believe our parents raised us up and worked so hard for us that, one day, they could marry a woman and man, and two families combined, di ba, having a drink together and pasta together.
“I think that’s our family’s dream. One day, one day it will happen,” ani Matteo.
