Rica Peralejo opens up about COVID-19 battle last March: “It started a thread of worries in my head.”

by James Patrick Anarcon
May 9, 2021
Rica Peralejo admits fears while going through COVID-19 battle: “Whenever I would look at my kids, naiisip mo na, ‘Ito na ba yung mga istorya na naririnig mo na last time mo na sila makikita? Hindi na ba kayo magkikita uli?’"
PHOTO/S: Rica Peralejo YouTube channel

Naka-recover na mula sa pagkakaroon ng COVID-19 sina Rica Peralejo at ang asawa nitong si Joseph Bonifacio.

Ikinuwento nina Rica at Joseph kung paano nila hinarap ang pagsubok sa isang vlog na ginawa nila noong April 13, 2021.

In-upload ito ni Rica sa kanyang YouTube channel noong Biyernes, May 7, 2021.

Ayon sa kuwento ni Rica, siya ang naunang nagkaroon ng sintomas ng virus.

May shoot pa raw sa bahay niya noong March 20 pero wala siyang kaalam-alam na nag-uumpisa na palang mag-manifest ang mga sintomas niya.

Ani Rica, “I really didn’t know that I had anything. I was just exceptionally pawisin noong araw na iyon, pero kasi ang init din.

“So, parang confused na confused ako, ‘Ano ba ito? May sakit ba ako or pawisin lang ako?’

“And then, prior to that, I kept sneezing also, it felt like we were having an allergy, even the kids were sneezing.”

Continue reading below ↓

Ang akala ni Rica, baka lang daw epekto lang iyon ng aircon sa kanila, kaya raw talagang nakakalito ang mga sintomas na lumalabas sa kanila.

Pero limang araw raw pala bago iyon, nakaramdam na si Rica ng “unusual” na pagod. Inisip daw niya, maaaring pagod at puyat lang siya.

Noong umalis na raw sa bahay niya ang mga kasama sa shoot noong March 20, nakaramdam daw si Rica ng matinding pagod.

Pagpapatuloy niya, “But then, I also was thinking, e, ang dami ko namang ginawa. Parang gumana yung buong sarili ko sa shoot na iyon, so naturally, I would be tired.”

Noong sumunod na araw, dito na nakaramdam si Rica na parang “fluish” siya kaya hindi na siya sumama kay Joseph sa kanilang church service.

Naisip na rin daw ni Rica na magpa-test dahil dapat ay may pupuntahan silang camp kinabukasan, kung saan makakasama na nila ang pito pang pamilya.

Continue reading below ↓

Sa vlog ni Rica, nagbahagi rin siya ng mga video na kanyang kinunan habang siya ay nakikipaglaban sa virus.

March 21 nang magpa-test si Rica.

Dahil sa mga sintomas na nararamdaman niya, ang naiisip daw niya noon, “Could this be covid? Because tiredness was one sign. I honestly don’t know what to expect.

“If this is covid, I’m grateful that it’s coming to me in a very mild manner, it feels like a flu. May appetite pa ako, medyo kaunting walang panlasa, metal taste.”

Buong akala pa rin ni Rica, hindi COVID-19 ang kanyang nararamdaman dahil hindi naman daw “severe” ang sintomas na kanyang nararanasan.

Subalit noong March 22, nagpositibo siya sa virus.

Nagpa-test na rin si Joseph at ang kanilang helper na si Renelda.

Ang nakakakaba rito, exposed na si Joseph kay Rica kaya maaaring mahawaan niya ang mga kaibigang nakasama sa kanilang church service.

Mabuti na lang daw at nag-negative sa COVID-19 noon si Joseph.

Continue reading below ↓

Nag-negative din daw si Renelda pero ang kaibahan lang, nakakaramdam siya ng sintomas tulad ng pananakit ng ulo.

Dahil sa nangyari, kinailangang isipin ni Rica kung saan siya pumunta at maaaring kanino siya na-expose.

Pagbabalik-tanaw niya, “Ang hirap palang i-trace lahat ng steps mo. And that was also kind of the week na we saw a lot of people.

“I had shoots, you had meetings, so all of that.

“Also, the fact na are we gonna isolate or not isolate? How exposed is he? ‘Tapos yung mga anak ko. So, ang dami na noon dumadaan sa utak mo.”

DEVELOPING MORE SYMPTOMS

Sa ika-anim na araw ng pagkakaroon ni Rica ng sintomas, sobra na raw ang fatigue na naramdaman niya.

Umabot ito sa makakatulog na siya kahit nanood lang siya ng isang video sa YouTube dahil sa pagod.

Dahil may sintomas na rin ang kanilang helper, kay Joseph naging dependent ang buong household nina Rica.

Continue reading below ↓

Sa kuwento ni Rica sa video clip ng seventh day ng kanyang sintomas, 9:40 na raw ng gabi nang una siyang makaupo nang maayos noong araw na iyon.

Kuwento pa niya, “I try to get up in the morning, mga 10 a.m. and when I did, parang nasusuka talaga ako.

"It’s funny because para kang may new symptoms every day na hindi mo na-experience yesterday.

“This one, you’re energetic one moment and the next you’re totally wasted and totally sick. Hindi makakain, I don’t really get hungry. I am only able to really take in soup, ganun.”

Dito na rin nagbahagi si Rica ng paghanga sa kanyang asawa na halos gumawa ng lahat sa kanilang bahay.

“I’m really grateful. Na-feel ko talaga na pa-bless lang sa akin ni God, first of all, sobra lang ako hanga sa asawa ko na he has held everything up for the entire household.

“He has cooked, he has cleaned because our helper is also down and sick. Like single-handed niya lang ginagawa lahat na nagluluto siya, pinapaliguan niya yung mga bata, make sure that I get to eat.

Continue reading below ↓

“On top of that, he’s working also because his work doesn’t stop naman. I told him nga kanina, ‘Siguro, patay na ako kung wala ka.’”

RICA’S FEARS

Noong March 27, o ika-sampung araw ng pagkakaroon ni Rica ng sintomas, bumababa na ang oxygen level niya.

Kinailangan daw nilang bumili kaagad ng oximeter noong gabi ng March 26 dahil sa shortness of breath na kanyang nararanasan.

Sa dapat na 97 na oxygen level, 94 lang ang kay Rica.

Pero habang syinu-shoot niya ang video, tumaas naman na ito at naglalaro na sa 95-97.

Ang ikinaalarma ni Rica, ayon sa mga kaibigan niyang nagkaroon ng COVID-19, nagpadala sila sa ospital nang mag-94 ang oxygen level nila.

Nagpakonsulta rin si Rica sa doktor para makasigurado.

Pagakagising daw niya, ang nabasa niyang text: “I would want her to come in and have an x-ray.”

Sabi ni Rica tungkol dito, “Siyempre, napraning na ako after that time na talaga, aabot pa ako sa ospital?

Continue reading below ↓

“Kasi nakailang araw na ako dito and in my mind, sa sobrang tagal ko nang may sakit, siguro naman pagaling na ako, but no.”

Hindi napigilan ni Rica ang sarili na maiyak nang maisip niya na ang mga nangyayari sa ospital lalo na sa mga nagkaka-covid.

Patuloy niya, “If this is what God wants, if this is the way that he wants to heal me, I will do it. So I just kept praying. And I kept monitoring.”

Mabuti na lang daw at nang makausap niya ang doctor niya, nasa 95-96 na ang oxygen level niya, at inabisuhan lang siyang magpunta sa ospital kung mag-93 siya.

Kahit na na-comfort si Rica nito, inamin niyang “it started a thread of worries in my head.”

Naiiyak niyang kuwento: “Whenever I would look at my kids, naiisip mo na, ‘Ito na ba yung mga istorya na naririnig mo na last time mo na sila makikita? Hindi na ba kayo magkikita uli?’

Continue reading below ↓

“Siyempre, I didn’t want to lie to myself na naiisip ko yung mga ganung bagay.”

Mabuti na lang daw at may dinadaluhan siyang healing class tuwing Sabado na nakatulong sa kanya para gumaan ang kanyang pakiramdam.

Ipinagdasal din daw siya ng mga kasamahan niya rito at maging ng kanyang mga biyenan.

Saad ni Rica, “It was so life-giving, iba rin talaga yung nagagawa pag nare-remind kung saan naka-anchor yung faith mo.

“Jesus is indeed the great physician. I had no better healer in the world than Jesus and I just kept saying that in my mind.”

Nagsimulang maging maayos ang pakiramdam ni Rica noong mga ika-12 o ika-13 na araw ng kanyang sintomas.

Pero nang siya ay papagaling na, dito naman daw nag-umpisang magkaroon ng sintomas si Joseph.

Pag-amin ni Rica, “When he started showing signs of weakness, lalo akong natakot kasi feeling ko, lahat kami puwede maging weak pero ikaw, please, huwag ganun!”

Continue reading below ↓

Sa araw na na-shoot nila ang vlog noong April 13, nabigyan na raw sila ng clearance na sila ay COVID-19-free na.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rica Peralejo admits fears while going through COVID-19 battle: “Whenever I would look at my kids, naiisip mo na, ‘Ito na ba yung mga istorya na naririnig mo na last time mo na sila makikita? Hindi na ba kayo magkikita uli?’"
PHOTO/S: Rica Peralejo YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results