PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Dizon on daughter Doreen entering showbiz

Sunshine wants her children to have a fall back if ever their first choice for a career fails.
by Rose Garcia
Published May 9, 2021
Sunshine Dizon and daughter Doreen.
Sunshine Dizon thinks her daughter Doreen wants to enter showbiz someday, but she wants her to finish college first. “Iba pa rin ang nakatapos ng college. May fall back ka. At kahit saan ka man itapon o saan ka man mapunta, meron ka palaging option.”
PHOTO/S: @m_sunshinedizon Instagram

Masasabing isang bukas na aklat ang buhay ng ngayo’y Kapamilya actress na si Sunshine Dizon.

Simula sa pagiging batang artista niya hanggang sa buhay-may asawa na niya. Kung ano ang pinagdaanan ni Sunshine sa kanyang marriage life.

Legally ay mag-asawa pa rin sila ng kanyang mister na si Timothy Tan at ama ng dalawang anak niya na sina Doreen, 10 at Anton, 9.

Pero open si Sunshine sa pagsasabing hindi na sila nagsasama ni Timothy.

Nang makausap namin si Sunshine sa pamamagitan ng Zoom, tinanong namin siya: Bilang isang ina, kapag nakikita niya ang mga anak ngayon, masasabi ba niyang tama nga ang naging desisyon niya?

Taong 2016 nang mag-file si Sunshine ng kaso laban sa asawa. Pero noong 2017, binawi rin niya ang mga criminal complaints laban dito na Concubinage and Violence Against Women and Children.

“Yes, yes,” ang magkasunod na sagot ni Sunshine, pagkumpirma na tama nga ang naging desisyon niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“You know in life, wala namang perfect talaga, ‘di ba? We have regrets. We own up to our mistakes.

“Pero, when I look at my children, I can somehow say that I did something right because of how I raised them, how they are.”

May naalalang kuwento pa si Sunshine tungkol sa anak.

Aniya, “You know, funny, ha, ito lang, the other day, si Anton, magbe-birthday ng June. Hindi ko pa na-double check ang schedule ko itong lock-in nga ng Marry Me, Marry You.

“Sabi ni Anton sa akin, ‘Mama, paano yan if you’ll not be here on my birthday?’

"Sabi ko sa kanya, 'Anak, mag-decide ka na kung ano ang gusto mo. Para ibibilin ko kina ate kung ano yung dapat lutuin.

“Alam mo kung ano ang request lang ng anak ko? Magluto lang ako ng carbonara and kung ano yung flavor ng cake. 'Tapos, naglambing sa akin na bilhan ko raw siya ng bagong yoyo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“That’s how my kids are or siguro noong bata rin sila, they’re used to... wala rin kasi kaming super big celebration.

"Usually, we travel. Pero, never kang makakarinig sa kanila ng anything na reklamo during this pandemic.”

Noong nag-birthday rin daw ang panganay niyang anak nitong April lang, nagpaluto lang din daw ng pasta sa kanya at nagsabi kung anong flavor ng cake ang gusto. Siya pa raw ang nagtanong sa anak.

“Sabi ko sa kanya, 'Achi, how do you feel that it’s your second birthday during pandemic?' At ang sagot niya lang sa akin, 'It’s okay, mom.'

"Sabi niya, 'Wala naman talaga tayong choice, hindi tayo puwedeng lumabas. But I’m grateful we’re all here and nobody got sick.'”

Masayang sabi pa ni Sunshine, “Napaisip ka rin na, 'Ah, yung mga anak ko, okay. Siguro naman, may nagawa akong tama.”

TELLING KIDS NOT EVERYTHING IS FREE

Dahil wala sa regular o ideal na set-up ang pamilya niya, anong formula ba ang sinusunod ni Sunshine sa pagpapalaki ng mga anak niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo sa totoo lang, wala namang talaga—well, sa lahat ng bagay may handbook, e,” sabi niya.

“Pwede kang bumili ng libro para matutunan mo ang gusto mo, ang gusto mong matutunan, pero yung pagiging magulang, wala.

"So siguro, kung ano ba yung ginawa ng mama at papa ko na nakabuti para sa sarili ko, inuulit ko lang yun.

"Ano ba ang mga desisyon ng magulang ko noon na palagay ko, hindi nakatulong sa akin? Hindi ko uulitin yun.”

Sabi rin niya, “Palagi kong ini-instill sa mga anak ko ang value of hard work. Being nice, considerate, kind to others.

"Alam ng mga yaya ko yan dito sa bahay na ang mga anak ko, pag mali, mali. Hindi ko sila kinakampihan.

“And I always instill to Doreen and Anton to give due respect dito sa mga kasama namin sa bahay. Na sila rin, nagsa-sacrifice.

"E, pwede nga silang umuwi ngayon because they also want to be with their families, but they chose to be with us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ini-instill ko rin sa mga anak ko, maliliit pa lang yan, kung magkano ang bayad ng kuryente, water.

“Before kasi, they said, ‘What, we pay for electricity?’ ‘What, we pay for the water?’

"Hindi nila alam yun, kaya dapat, maliit pa lang sila, meron silang value na hindi ka dapat nag-aaksaya ng pagkain, kuryente, tubig.

"Kasi, kung hindi mo ituturo sa kanila yun, iisipin nila, free for all. At dapat din, meron din silang limitasyon.”

SUNSHINE'S FEAR

Sa mga nangyayari ngayon sa bansa, bilang isang ina, may mga takot din siyang nararamdaman.

Sabi nga ni Sunshine, “I fear with, well, especially with what’s happening lately, yung freedom nila to express how they feel and what they want to say, di ba?

“Natatakot ako na ngayon pa nga lang, ganyan na ang nangyayari, how much more pa in the future?”

Dugtong pa niya, “Natatakot din ako na matututo ba silang humarap sa buhay kapag wala na ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But ultimately, sabi nga, hindi sa atin ang anak natin, hiram lang sila. I think, more than my fear for my children is my fear for myself that I will not be able to teach them well and guide them and lead them well.

“Kasi, mas natatakot ako ro’n sa failure ko yun as a mother.”

SUNSHINE'S DREAM FOR HER KIDS

Tinanong din namin si Sunshine kung ano naman ang pangarap niya para kina Doreen at Anton.

“Ako, sabi ko nga kay Doreen at Anton, 'Anak, ayusin niyo na ang pag-aaral ngayon.

"Salamat that we are privileged enough at nakakapag-aral kayo sa magandang eskuwelahan. At hindi lahat ng bata ngayon ay nakakapag-aral.

“Ako kasi, isa ‘yan sa mga frustrations ko. Hindi talaga ako nakatapos ng college.

"So sabi ko sa kanila, especially ngayong pandemic, sabi ko sa mga anak ko, ‘Alam niyo, anak, kung nakatapos ako ng college, kahit anong trabaho pwede kong pasukan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But the fact remains that I did not finish college. So hindi ako gano’n ka-free katulad ng ibang tao that they can simply decide to work here and there, di ba?"

Sa dalawang anak daw niya, si Doreen ang nakikita niya na mukhang posibleng sumunod sa yapak niya.

“Si Doreen kasi ang parang gustong mag-aartista, e. Kaya sabi ko, 'Doreen, basta i-promise mo lang sa akin na makatapos ka ng college.

“'Kung talagang gusto mong mag-artista, I will let you go. Do it, I will support you.'”

Sabi pa niya, “Iba pa rin ang nakatapos ng college. May fall back ka. At kahit saan ka man itapon o saan ka man mapunta, meron ka palaging option.”

CELEBRATING MOTHER'S DAY

Kapag Mother’s day, simple lang naman daw silang mag-celebrate. Mababaw lang din daw ang kaligayahan niya.

“Hindi kami big deal palagi sa mga ganyan,” saad niya.

“At yung mga bata, usually gumagawa ng card or sometimes, magse-send ng video. Pero ever since na maliit sila, masipag silang mag-drawing-drawing, gagawa ng card, ganun lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Happy naman ako at basta ako, naa-appreciate ko na on that very special day, nasasabi nila ang saloobin nila.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon thinks her daughter Doreen wants to enter showbiz someday, but she wants her to finish college first. “Iba pa rin ang nakatapos ng college. May fall back ka. At kahit saan ka man itapon o saan ka man mapunta, meron ka palaging option.”
PHOTO/S: @m_sunshinedizon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results