PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Cruz on malicious posts about daughters

Sunshine: "Hindi ako humihingi ng respeto pero itrato nyo lang din akong tao."
by Arniel C. Serato
Published May 11, 2021
Sunshine Cruz to netizens who shared her photo with daughters and a male friend: "No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan?”
PHOTO/S: Courtesy: Sunshine Braden Cruz on Facebook

Inalmahan ni Sunshine Cruz ang malisyosong posts ng ilang netizens sa Facebook ng larawan niya kasama ang tatlong anak na babae na sina Angelina, Samantha, Cheska, at isang lalaking foreigner.

Ngayong araw, May 11, nakiusap si Sunshine sa kanyang followers sa Facebook na tulungan siyang i-report ang isang page na may hindi magandang motibo sa pag-upload ng kanilang larawan.

Mababasa sa isang screenshot ng isang post ang salitang Cebuano.

Sabi sa caption: “Hooooy!!!! Nayabag na si angkol cesar ani” [Hooooy!!!! Nabaliw na si uncle cesar dito]

Ang tinutukoy na "uncle cesar" ng netizen ay ang ex-husband at ama ng mga anak ni Sunshine na si Cesar Montano.

Ayaw Kol edited photo of Sunshine Cruz and daughters with Johnny Sins

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkomento si Sunshine sa post para sa page administrator na tanggalin na ang malisyoso nitong post.

Sunshine Cruz commented on edited photo

Mensahe niya sa Facebook tungkol sa screenshot na in-upload niya: "Please report.. AYAW KOL"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang post naman ng netizen, nakalagay sa caption na “END OF AN ERA”Edited photo of Sunshine Cruz, daughters with Johnny Sins

Ikinadismaya ni Sunshine ang kawalang galang ng ilang netizens sa kanilang mga babae.

Wala raw karapatan ang iba na ipahiya ang kanilang kapwa.

Sabi ng aktres, “I will never understand why people think making fun of other people is funny.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan?”

Dagdag pa niya, hindi naman siya humihingi ng respeto bagkus itrato lamang daw siyang tao. Wala naman daw ginagawa ang kanyang pamilya sa kanila.

Ani Sunshine, “It only shows the character na meron ang isang tao. Hindi ako humihingi ng respeto pero itrato nyo lang din akong tao.

“Pareho nyo nasasaktan din ako. Walang ginagawang masama ang pamilya ko kahit kanino.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz to netizens who shared her photo with daughters and a male friend: "No one has the right to humiliate others. What would you feel kung isa sa pamilya nyo ang gawing katatawanan?”
PHOTO/S: Courtesy: Sunshine Braden Cruz on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results