Pasok sa Top 21 ng Miss Universe 2020 ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.
Ang 20 semifinalists ay pinili mula sa preliminary competitions at ang isa ay siyang nanguna sa fan votes.
Hinati-hati sa tatlong grupo ng pitong candidates ang announcement ng semifinalists. Si Rabiya ay kabilang sa huling grupo na tinawag.
Ang iba pang mga nakapasok sa Top 21 ay sina Laura Olascuaga ng Colombia, Janick Maceta Del Castillo ng Peru, Maria Thattil ng Australia, Clémence Botino ng France, Thuzar Wint Lwin ng Myanmar, Miqueal-Symone Williams ng Jamaica, at Andrea Meza ng Mexico.
Pasok din sina Kimberly Jimenez ng Dominican Republic, Asya Branch ng USA, Ayu Maulida ng Indonesia, Alina Luz Akselrad ng Argentina, Adline Castelino ng India, Chantal Wiertz ng Curacao, at Estefanía Soto Torres ng Puerto Rico.
Kasama rin sa next round sina Julia Gama ng Brazil, Jeanette Akua ng Great Britain, Ana Marcelo ng Nicaragua, Amanda Obdam ng Thailand, Ivonne Cerdas ng Costa Rica, at Khánh Vân Nguyen Tran na siyang nakakuha ng pinakamaraming boto sa fan votes.
Ang 69th Miss Universe ay kasalukuyang ginaganap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.
Ang hosts ng grand coronation ay sina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
