Rabiya Mateo fails to advance to Miss Universe 2020 Top 10

by Erwin Santiago
May 17, 2021
Rabiya Mateo of the Philippines fails to move to the next round of the Miss Universe 2020 after not getting a spot in the Top 10.
PHOTO/S: Screengrab from iQiyi / Miss Universe Organization

Bigong makapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2020 ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Pagkatapos ng announcement ng Top 21 semifinalists ay rumampa ang mga natirang kandidata para sa Swimsuit Competition.

Mula sa 21 ay pinili ng board of judges, na puro mga babae, ang Top 10.

Ang mga nakapasok sa Top 10 sina Miqueal-Symone Williams ng Jamaica, Kimberly Jimenez ng Dominican Republic, Adline Castelino ng India, Janick Maceta Del Castillo ng Peru, Maria Thattil ng Australia, Estefanía Soto Torres ng Puerto Rico, Amanda Obdam ng Thailand, Ivonne Cerdas ng Costa Rica, Andrea Meza ng Mexico, at Julia Gama ng Brazil.

Ang susunod na round ay ang Evening Gown Competition kung saan pipiliin naman ang Top 5.

Ang 69th Miss Universe ay kasalukuyang ginaganap sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida.

Ang hosts ng grand coronation ay sina Mario Lopez at Miss Universe 2012 Olivia Culpo.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rabiya Mateo of the Philippines fails to move to the next round of the Miss Universe 2020 after not getting a spot in the Top 10.
PHOTO/S: Screengrab from iQiyi / Miss Universe Organization
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results