Ilang oras matapos koronahan bilang Miss Universe 2020 ang kandidata mula sa Mexico na si Andrea Meza, mainit na usap-usapan agad sa social media na ang 26-year-old beauty queen ay ikinasal na diumano.
Kumakalat ngayon sa social media ang mga litrato ni Andrea kung saan makikita itong nakasuot ng bridal gown kasama ang hinihilang "groom" ng Mexican beauty queen.
Natukoy ang kasama ni Andrea sa litrato bilang ang Mexican model na si Jorge Saenz.
Ang "wedding photo" na ito ang itinuturo ng ilang netizens at pageant fans na dahilan para tanggalin umano kay Andrea ang titulong Miss Universe.
Ang sinasabing "wedding photo" nina Andrea at Jorge ay naka-post sa Instagram account ni Jorge.
Sa caption, nakasulat sa salitang Spanish ang tila sweet na mensahe ni Jorge para kay Andrea.
Ang buong caption ni Jorge, na naka-translate sa English:
"I am infinitely grateful to God for giving me the opportunity to meet you this time and cross our path.
"Today begins a new stage of our lives and I am sure that sharing everything by your side will make me the happiest person in the world."
(UPDATE: As of May 18, 2021, naka-delete ka ang post sa Instagram ni Jorge.)

Ang comments section ng post ni Jorge ay napuno rin ng tag sa @missuniverse Instagram page matapos bumuhos ang mensahe ng mga mapanuring netizens.

Sa pagsisiyasat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napag-alamang nagbahagi rin si Andrea sa kanyang Instagram account ng sinasabing "wedding photo" nila ni Jorge.
Ibang anggulo lang ang camera shot, pero pareho ang lugar at damit nila sa litrato.
Hindi malinaw sa caption ni Andrea kung sila nga ni Jorge ay totoong ikinasal.
Ang petsa na "3-09-19" ang tanging nakasaad sa caption kasama ang emoji ng isang singsing.
Kapansin-pansin ding maging ang batchmate ni Andrea sa Miss World 2017 na si Laura Lehman ay nag-iwan pa ng congratulatory message sa comments section ng post ni Andrea.
Mensahe ni Laura para kay Andrea: "Omg!! Congratulations Andrea! [heart and smile emojis] So amazing! Hope we see each other again one day. :) - Laura (Philippines)."
Habang isinusulat ang artikulong ito, hindi na makikita ang post ni Andrea sa kanyang Instagram feed.

WHAT PEP.PH FOUND OUT
Ngunit napag-alaman ng PEP.ph na ang "wedding photos" na ito ay para pala sa 2020 tourism campaign ng Chihuahua, Mexico, ang hometown ni Andrea.
Ito ay ayon sa Mexican filmmaker na si Daniel Hawk.
Sa kanyang Instagram post noong September 5, 2019, sabi ni Daniel (as translated in English): "Until the end of the world! [heart emoji]... Photo for tourist campaign @ahchihuahua"
View this post on Instagram
Sa official Instagram page ng Chihuahua, Mexico Tourism kanina, May 17, 2021, ipinakilala si Andrea bilang official ambassador ng lugar.
Bahagi ng caption sa kanilang post, na naka-translate na rin sa English: "We are very proud of how far @andreamezamx, our tourist ambassador who will compete in @missuniverse today, is without a doubt a great example of Chihuahua reaching high."
View this post on Instagram
Kung sakali mang may sapat at lehitimong dahilan upang ma-dethrone o hindi maipagpatuloy ni Andrea ang kanyang reign bilang Miss Universe, ang 1st runner-up na si Julia Gama mula sa Brazil ang papalit sa kanya.
(UPDATE as of May, 17, 2021 4:08 p.m.):
Sa kanyang Instagram Stories, nilinaw rin ni Jorge na mula sa isang tourism campaign shoot ang mga litrato.
Umapela rin si Jorge kaugnay ng negative messages at threats na natatanggap nito dahil sa mga nasabing litrato.
Mensahe nito: "People, my photo with @andreamezamx is just a shooting for @ahchihuahua
"Please stop with your messages and threats, that photo is from 2019 and it is not edited. IT WAS JUST A JOKE. Check @ahchihuahua profile."

Kasunod ng kanyang post sa Instagram Story ay ang screenshot naman ng "wedding scene" nila ni Andrea para sa toursim campaign video ng Chihuahua, Mexico.
Natagpuan ng PEP.ph ang video sa YouTube at mapapanood ang eksena sa bandang 0:48 mark.
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
