Pati mga artista at iba pang celebrities ay hindi makapaniwala sa resulta ng Miss Universe 2020.
Kinoronahan bilang bagong Miss Universe si Andrea Meza ng Mexico.
Pero maraming netizens ang naniniwalang mas deserving manalo ang alinman tatlo sa runners-up ni Miss Mexico.
Itinanghal na first runner-up si Julia Gama ng Brazil; second runner-up si Janick Maceta del Castillo ng Peru; third runner-up si Adline Castelino ng India; at fourth runner-up si Kimberly Jimenez ng Dominican Republic.
Maliban sa fourth runner-up, maraming pageant fans ang naniniwalang mas deserving maging Miss Universe alinman kina Miss Peru, Miss Brazil, at Miss India.
Kahit na ang anchors ng Miss Universe 2020 na sina Miss Universe 2014 Paulina Vega, Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters, at Miss USA 2019 Cheslie Kryst ay sina Miss Peru at Miss India ang bet na manalo.
Puwera kay Miss India, ang Top 5 ng Miss Universe 2020 ay puro mga Latina.
Maging ang local celebs natin ay sumasang-ayon na hindi si Miss Mexico ang dapat nanalo.
Ito ay dahil sa mas mahusay raw ang mga sagot nina Peru, Brazil, at India pagdating sa final question-and-answer portion at final statement.
Napa-tweet sina Kim Chiu, Maris Racal, Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo, JM Rodriguez, at Divine Lee kaugnay ng results.
Sa katunayan, isa sa mga trending topic sa Twitter ngayong araw ang “Bakit Mexico.”
Nagtatanong ang netizens kung bakit si Miss Mexico ang nanalo.

KIM CHIU
Naging malaman ang tweet ni Kim.
Halatang hindi niya inasahan ang resulta ng Miss Universe 2020. Gaya ng maraming netizens, humihingi ng paliwanag ang ABS-CBN actress-host.
“Anu daw nangyari? Paano naging ganun???...
Sunud-sunod pang ginamit ni Kim ang “shocked face and exploding head” emojis, indikasyong ikinasorpresa niya ang resulta ng pageant.
“please enlighten me. Hindi Brazil? Not Peru? Not India?”
Nagulat din si Kim na hindi nakapasok sina Thailand, South Africa, at ang ating pambato na si Rabiya Mateo.
“No Thailand? No South Africa? At higit sa lahat walang Philippines?!!!! Ano daw???”
May tweet pa si Kim na maraming kandidata ang nakapasok sa Top 21, na kahit sila ay nagulat.


Sinundan ni Kim ang kanyang tweet ng pagbawi para iwasan kung anumang batikos.
Tweet niya: “Eme Lang!!!! Katuwaan lang mga beshie para gumaan ang loob natin!!!
"Hehhee Ang aga natin nagising! Palakpakan!!!!!
“But no matter what happened today, We love you Ms Philippines!!! Congratulations Rabiya!!!!!
“Congrat also to Miss Mexico!!!”

MARIS RACAL
Hindi rin in-expect ni Maris ang pagkapanalo ni Miss Mexico.
Sa sunud-sunod na tweet ni Maris ay mahihinuhang sinubaybayan niya ang pageant. Bet niya si Miss India.
Nang lumabas ang resulta, tweet ni Maris: “???? well that was unexpected”
Sundot niya, “kahit si miss brazil na lang sana?” pagtukoy sa first runner up na si Julia Gama.


JOSEPH MORONG
Sinubaybayan din ng GMA News reporter na si Joseph Morong ang Miss Universe grand coronation.
Ang prediksiyon niyang manalo ay si Miss Peru.
Pero mahihinuha na nang itanghal na second runner-up si Miss Pero, nagulat siya.
Tweet niya: “Wht? Hala behe baka Mexico to.”

Ni-retweet din ni Joseph ang viral video clip ng host na si Miss Universe 2012 Olivia Culpo na nahagip ng camera na tila nagulat sa resulta ng pageant.
Tila sumasang-ayon si Joseph sa reaksiyon ng pageant fans na nagulat sa resulta ng Miss Universe 2020.

SAMANTHA BERNARDO
Bet naman ni Samantha si Miss India Adline Castelino. Dismayado siya nang itanghal na third runner-up si Miss India.
Tweet ni Samantha: “Mali pala ako… ano ba to joke time?!?! Anyway congrats to Miss Mexico”
Matapang ang kanyang sumunod na tweet: “No hate and bias but for me the BEST answer is MISS PERU”

DIVINE LEE AND JM RODRIGUEZ
Sunud-sunod din ang tweets nina Divine Lee at JM Rodriguez na tumutok din sa Miss Universe 2020 pageant.
Hindi rin satisfied si Divine sa resulta.
Tweet niya: “D ko gets. But sige. Congrats! Hahaha”

May theory naman si JM sa pagkapanalo ni Miss Mexico. Mas magugulat daw siya kung hindi isang Latina ang nanalo.
Aniya: “I would’ve been discombobulated if the Latinas didn’t win. I mean it was broadcast by Telemundo and it was in Miami. Claro que si LOL”

Ang ibig sabihin ng claro que si ay “of course.”
Ang Telemundo ay American Spanish-language TV network na pagmamay-ari ng NBCUniversal Telemundo Enterprises, na division ng NBCUniversal.
Ang Telemundo rin ang nag-broadcast ng Miss Universe pageant noong 2019, kung saan si Zozibini Tunzi ng South Africa ang nanalo.
Use these BeautyMnl promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
