Hindi nakaligtas si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa bagsik ng Vietnamese pageant fans dahil sa kanyang tweet.
May kinalaman ito kay Miss Universe Vietnam 2020 Nguyen Tran Khanh Van, na nakapasok sa Top 21 semifinalists ng Miss Universe 2020 grand coronation.
Sa announcement ng Top 21, pinakahuling tinawag ang pangalan ni Miss Vietnam, bilang siya ang nakakuha ng pinakamaraming fan votes.
Ayon sa pageant host na si Olivia Culpo, nakuha ni Miss Vietnam ang “highest votes in pageant history."
Habang ongoing ang Miss Universe 2020 kahapon ng umaga, May 17, masigasig si Pia sa pagtu-tweet ng mga kaganapan sa pageant.
Sa isang tweet, nagtaka si Pia nang malamang mas maraming pageant fans sa Vietnam kesa sa Pilipinas, na kilalang pageant country.
Buong tweet ng former Miss Universe: “Mas maraming pageant fans sa Vietnam kesa sa Pilipinas? [shocked face and exploding head emojis]”

Nagtuluy-tuloy si Pia sa kanyang pagtu-tweet habang nanonood ng Miss Universe 2020.
Hindi niya inakalang ang tweet niya tungkol sa Vietnam ay aani ng kritisismo kinabukasan.
VIETNAMESE FANS SLAM PIA
Sunud-sunod ang reaksiyon ng Vietnamese fans sa tweet ni Pia. Minasama nila ang mensahe ng dating Miss Universe.
Depensa nila, nagkaisa raw sila para suportahan ang kanilang kandidata.
Maging sponsors daw ay naglabas ng pera para suportahan sa online voting si Miss Vietnam.


Sinabihan din nila si Pia na, bilang former beauty queen, maging maingat ito sa mga salitang ginagamit at irespeto niya ang Miss Universe Organization sa desisyon nilang piliin si Miss Vietnam.
Ang iba naman, hinalungkat pa ang kontrobersiya ng pagkapanalo ni Pia noong Miss Universe 2015 pageant.
Nagkamali ang host noong si Steve Harvey sa pag-announce na si Ariana Gutierrez ng Colombia ang nanalo.
Pero pagkalipas lang ng ilang minuto ay binawi niya ito at nilinaw na si Pia ang totoong nanalo.


PIA CLARIFIES HER TWEET
Paggising daw ni Pia ngayong Martes ng umaga, May 18, pinutakti na siya ng galit na galit na Vietnamese fans.
Pero paliwanag ng Pinay beauty queen, may misunderstanding na nangyari.
Tweet ng former Miss Universe: “Woah! Woke up to so many angry fans from Vietnam!
“I think some of you misunderstood my tweet last night! I didn’t mean any harm by it at all!”
Ipinaliwanag din ni Pia ang pinanggalingan ng kanyang tweet.
Aniya, ang pagkakaalam niya ay Pilipinas ang may pinakamaraming pageant fans. Pero nagkamali raw siya matapos makuha ni Miss Vietnam ang pinakamaraming fan votes sa 69th Miss Universe.
“For years I was told (and I believed) that the Philippines had the most pageant fans in the world.
“But yesterday Vietnam got the highest votes in history!
“Which means I was wrong. Which surprised me! Thats it!! Thats all I meant by my tweet!”
Diin ni Pia, walang malisya ang kanyang tweet at lalong hindi niya kinukuwestiyon ang pagkapanalo ni Miss Vietnam sa highest vote score.
“I wasn’t being sarcastic or questioning your win at all! Hope this clears it up.
“Congratulations Vietnam for the highest votes in Miss Universe history!”

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
