Nagpakaprangka si Miss Bulgaria Radinela Chusheva sa pagsasabing hindi deserve ni Miss Mexico Andrea Meza ang Miss Universe 2020 crown.
Ginanap ang grand coronation ng international beauty pageant sa Hollywood, Florida, USA nitong Lunes May 17, 2021 (Philippine time).
Ngayong Martes, May 18, nagpa-“ask me a question” session si Miss Bulgaria sa kanyang Instagram Story.
Dito ay hindi siya nangiming sabihing dismayado siya sa pagkakahirang kay Miss Mexico bilang bagong Miss Universe.
Hindi naman nag-iisa si Miss Bulgaria dahil nabalot ng kontrobersiya ang pageant dahil sa pagkuwestiyon sa pagkapanalo ni Miss Mexico.
Nag-trending pa nga sa Twitter kahapon ang "Bakit Mexico," kung saan naglabas ng hinaing ang pageant fans sa resulta ng Miss Universe 2020.
MISS MEXICO NOT DESERVING TO BE MISS UNIVERSE?
Humingi ng paumanhin si Miss Bulgaria sa kanyang hindi tamang English, pero malinaw ang kanyang mensahe.
Para raw sa kanya, hindi karapat-dapat ang pagkapanalo ni Miss Mexico.
Unang tanong sa kanya: “Are you happy with the winner?”
Sagot ni Miss Bulgaria: “No!!”
Inisa-isa niya ang kanyang mga paborito, kabilang na rito ang pambato nating si Rabiya Mateo, na umabot lamang sa Top 21.
Ayon kay Miss Bulgaria, ang kanyang favorites ay sina Philippines, Thailand, Malaysia, Colombia, at Costa Rica.
Ang mga binanggit daw niya ang mas deserving manalo.

Paulit-ulit na ipinost ni Miss Bulgaria ang post niyang ito kung sino para sa kanya ang deserving manalo at makapasok sa Top 10.
Tanong ng isa pang netizen: “Do you think Mexico Deserve the crown?”
“No!” tugon ni Miss Bulgaria.
Pinakapaborito raw niyang manalo si Nova Stevens ng Canada.
“She’s the best! It’s my icon! [heart emoji]," ani Miss Bulgaria.

May isang Mexican fan ang nagpadala ng direct message kay Miss Bulgaria.
Sabi ng fan, maraming Mexicans ang sumusuporta kay Miss Bulgaria, pero dahil sa pagsasalita niya ay iiwan siya ng mga ito.
Pero hindi raw babawiin ni Miss Bulgaria ang kanyang sinabi.
Sabi pa niya, mahigit isang linggo niyang kasama ang 73 kapwa kandidata pero hindi niya kilala si Miss Mexico.
Aniya, “Sorry not sorry! Im just telling you what I think!
“I was more than 10 days with 73 girls! Still don’t know which one was Mexico?! [laughing emoji]
“PS: Excuse my English! its not good”

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
