Hindi raw kukunsintihin ni Miss Peru Janick Maceta Del Castillo ang pambu-bully kay Miss Universe 2020 Andrea Meza ng Mexico.
Si Miss Peru ang itinanghal na second runner-up sa katatapos lang na international beauty pageant na napuno ng kontrobersiya.
Nagkataon pang si Miss Peru ang hula ng maraming makakasungkit ng korona dahil sa husay niya sa pagsagot sa question-and-answer portion at final statement.
Pero marami ang nagulat nang hinirang na winner si Miss Mexico, at naging second runner-up lamang si Miss Peru.
Sa katunayan, nag-trending pa ang “Bakit Mexico” dahil maraming netizens ang kumuwestiyon sa pagkapanalo ni Miss Mexico bilang bagong Miss Universe.
Maging si Miss Bulgaria Radinela Cheshova ay lantarang inihayag sa Instagram na hindi raw deserving manalo si Miss Mexico.
Ginanap ang 69th Miss Universe sa Hollywood, Florida, USA noong Linggo ng gabi, May 16 (May 17 ng umaga sa Pilipinas).
#STOPBULLYING MISS MEXICO
Sa kabila ng mga isyung kinasangkutan nilang dalawa, suportado pa rin ni Miss Peru si Miss Mexico.
Nanawagan si Miss Peru na itigil ang pambu-bully sa bagong Miss Universe at irespeto raw silang lahat.
Nag-post si Miss Peru ng mensahe, na nasa wikang Spanish, para kay Miss Mexico sa Instagram.
Bahagi ng kanyang post, na isinalin sa English: “I will not accept any type of negative comment, more love please we all deserve RESPECT.
“Let's use our platforms to convey positive messages #stopbullying”
Kalakip ng kanyang mensahe ang photos at videos nilang dalawa ni Miss Mexico, patunay ng kanilang pagiging malapit.
Sa caption, idinetalye ni Miss Peru ang pinagsamahan nila ng bagong Miss Universe sa pageant.
Ito ang translation: “Congratulations beauty! @andreamezamx our new @missuniverse what a joy to have met you.
“You are a person who enlightens everyone around her, I love you very much and I will never forget the laughter we share and the moments we live, can you with this love? NEVER!
“I wish you all the successes in this new stage, may God accompany you, bless and protect you always.
“Here you have a friend for life love you with all my heart, I’m so proud of you.”
Caption pa ni Miss Peru sa English: “I’ll not accept any type of negative comments, we all deserve RESPECT. Let’s spread more love and positive messages.”

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
