BidaMan finalist, erotic performer Jervy delos Reyes considers motorcycle accident as his karma

by Jerry Olea
May 20, 2021
jervy delos reyes motorcycle
Jervy delos Reyes on his first time doing private online content: “Naiisip ko iyong mga taong naniniwala talaga sa akin, sa kakayahan ko na yun nga, alam kong makaka-disappoint ako ng tao, especially iyong parents ko, iyong mga taong malalapit talaga sa akin.”
PHOTO/S: @jervydlreyes on Instagram

Naaksidente si BidaMan finalist Jervy delos Reyes habang nagmomotorsiklo noong Mayo 16, Linggo ng gabi, sa Quezon Avenue, Quezon City.

“Mga 8:00 p.m. po iyon, galing po ako sa Visayas Avenue. Nagpa-motor wash po ako,” matamang kuwento ng 22-anyos na binata sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Mayo 18, Martes ng gabi.

“Tapos, iyong pinagpa-motor wash-an ko po, nilagyan po ng wax iyong gulong ng motor ko. Dumulas po yung motor ko nung pauwi na po ako sa Quezon Avenue.”

Anong naisip niya noong maaksidente siya?

“Ayun po, parang sabi ko po sa sarili ko, ahhh, ‘Magpapahinga na lang muna ako, kasi kailangan kong maka-recover, e!’

“Kumbaga, isipin ko muna yung safety ko bago yung sa premium account ko,” sabi ni Jervy, na ipinakita ang mga sugat sa kanyang kamay at bisig.

Nagpahinga muna si Jervy sa pagpo-post online ng private contents, pero nangako siyang babawi sa kanyang 470 subscribers kapag naka-recover na siya.

Continue reading below ↓

“Next week po yung balik ko sa account na iyon, e. So, mag-expect po kayo ng mas marami contents para makabawi ako sa subscribers ko,” sambit ni Jervy.

“Mag-expect pa po kayo ng mga kakaibang contents.”

Noong moment na maaksidente siya, naisip ba niyang baka katapusan na niya?

“Iyon nga po ang una kong naisip. Na ano... kasi, feeling ko, parang na-karma na ako noong time na yun, e,” pag-amin ni Jervy.

Naniniwala si Jervy sa karma. Feeling niya, may masama siyang ginawa kaya siya naaksidente?

“Yes po, feeling ko. Kasi, parang... feeling ko... yun na ang kapalit ng ginagawa ko ngayon, e.”

Bagong bili ni Jervy ang nasabing motor, katas ng kinita niya sa pagbebenta ng private contents.

Continue reading below ↓

WHO IS JERVY DELOS REYES?

Lumaki si Jervy sa Plaridel, Bulacan. Bunso siya sa apat na magkakapatid. Hiwalay ang kanyang mama na isang nars, at daddy na isang OFW.

May kani-kanyang pamilya na ang mga nakatatanda niyang kapatid.

“Nakatapos po ako ng two-year course sa college, HRS [Hospitality and Restaurant Services] po,” salaysay ni Jervy.

“After college, mga 2018 po yata, dumiretso na po ako dito sa Manila para magtrabaho.

“Nag-waiter po ako sa restaurant. Tapos, naging barista po ako sa coffee shop.”

Sumali si Jervy sa Pilipinas Got Talent noon ding 2018.

“OK naman po ang experience ko doon. Masaya po, kasi naipakita ko yung talent ko. Tapos, umabot din ako ng semi-finals.”

Mas natandaan si Jervy bilang isa sa finalists ng BidaMan ng It’s Showtime.

“OK din po iyon, masaya po. Kasi, siyempre, umabot po ako ng grand finals. Tapos, yun po, nagkaroon po ako ng mga bagong kaibigan.”

Continue reading below ↓

Jervy Delos Reyes

Kumusta ang buhay niya bago lumaganap ang COVID-19 pandemic?

“Medyo OK naman po, kasi nabibigyan naman po kami ng ABS-CBN ng trabaho.

“Tapos, medyo naging mahirap lang po talaga, as in walang-wala ako noong dumating ang time na nagsara yung ABS-CBN, tapos nasabayan pa po ng pandemic.”

May nagbigay ba sa kanya ng ayuda?

Continue reading below ↓

“Wala po, e,” pakli ni Jervy habang kinakali-kalikot ang ilong.

Ano ang naging trabaho niya during pandemic?

“Online coaching po. Nagko-coach po ako sa mga taong gustong mag-lose ng weight, or gustong mag-gain ng muscles. Parang gym instructor po.”

Marami-rami ang nag-avail ng service ni Jervy bilang online coach. Sapat ba ang kinita niya roon para sa mga gastusin niya?

“Ahhh, sakto lang po. Napantatawid naman po, pero kinakapos pa din po minsan.”

Paano kapag kinakapos siya? Nangungutang ba siya? O may tumutulong sa kanya?

“Actually, may tumutulong po sa akin. Kasi po, nakikitira ako dito ngayon sa kaibigan ko. Ilang months na.

“Naawa po siya sa akin, yun nga po, wala po kasi akong matutuluyan dito sa Maynila.

“Pero nagse-share-share naman po ako dito kahit papaano.”

Sa panahon ng pandemic, isang project lang ang nakuha ni Jervy. Kabilang siya sa mga sundalo sa pelikulang Balangiga 1901 na pinagbibidahan ni Ejay Falcon.

Continue reading below ↓

“Baka mag-resume daw po kami ng shooting sa May 25 sa Bulacan,” pakli ni Jervy.

PRIVATE CONTENTs

Kaarawan ni Jervy noong Abril 17. Makalipas ang ilang araw, nabalitaan niyang magbebenta ng private contents online ang kaibigan niyang TIkTok influencer na si Lloyd Agustin.

“Matagal ko na pong kaibigan si Lloyd. Na-curious po ako that time na nagpo-post siya,” saad ni Jervy.

“Then, I asked him kung paano yung ginagawa niya na iyon. Tapos, parang naano na po ako… naintriga na po ako.

“So, ang ginawa ko po, ang sabi ko po kay Lloyd noon, ‘OK lang ba, mag-usap tayo sa personal? Pupuntahan kita, tapos tanungin ko yung about diyan sa ginagawa mo.’

“Noong nag-usap naman po kami, parang sinabi po lahat sa akin ni Lloyd yung about doon. Tapos, siyempre, yung mga consequences talaga, yung mga sacrifice.

“Kumbaga, gagawin ko iyon pero may kapalit talaga na dapat handa akong tanggapin. Na haharapin ko nang buo.

Continue reading below ↓

“Sinabi ko po kay Lloyd, pag-iisipan ko muna nang one week. Sabi ko kay Lloyd, ‘Pag-iisipan ko nang one week, tapos babalik ako sa ‘yo kapag buo na yung desisyon ko, kapag ready na ako.’”

Noong Abril 28 ay nag-imbita na si Jervy para mag-subscribe sa kanyang premium account, kung saan matutunghayan ang kanyang kahubdan at pagsasariling-sikap.

Nainggit ba siya kay Lloyd na malaki agad ang kinita sa mga private videos, kaya sinundan niya ang mga yapak nito?

“Para sa akin po, hindi naman po ako nakaramdam ng inggit kay Lloyd!” pagdidiin ni Jervy.

“Kumbaga, naging thankful pa po ako. Kasi, isa siya sa mga kaibigan ko na tinulungan talaga akong makaahon sa sitwasyon ko ngayon.

“Tapos, yun po, thankful po ako, kasi yun nga, siya yung nag-aasikaso nung sa account ko, kung paano makikipag-coordinate sa mga taong gustong mag-avail. Siya po lahat nag-aasikaso nun.”

Lloyd Agustin and Jervy Delos Reyes

Continue reading below ↓

Lloyd Agustin (left) and Jervy delos Reyes

Pinagpayuhan ba siya ni Lloyd sa contents na ipo-post? Ginaya ba niya ito? Magkapareho kasi iyong istilo nila ng paglulunsad…

“Doon sa una po, siyempre naa-awkward-an po ako. Kasi, siyempre, malalaman ng mga tao na yun nga, same kami ng background ni Lloyd.

“Parang humingi lang po ako ng tips sa kanya. Kasi, wala po akong kaalam-alam sa kalakaran, sa process talaga ng pinasok ko na iyon.

“So, parang sobrang newbie po ako. E, since may alam po si Lloyd doon, sa kanya po talaga ako humingi ng tips.

“Paano ba ang gagawin ko? Ganito ba, ganyan?”

Ano ang pakiramdam niya nang mag-umpisa nang gumawa ng erotikong video, na batid niyang pagpipistahan ng mga bakla?

May bahid ng pait ang ngiti ni Jervy,

“Noong first time, siyempre, first time ko po iyon, parang nagdadalawang-isip pa ako.

“Talagang as in, hindi ko maramdaman na… hindi ko maramdaman yung sarili ko nung time na iyon.

Continue reading below ↓

“Parang…. nagkakahalu-halo yung emotions ko na… eto na, eto na, ginagawa ko na ito. Na… naiisip ko yung mga taong masasaktan kapag nalaman nila na ganun iyong ginagawa ko.

“Naiisip ko iyong mga taong naniniwala talaga sa akin, sa kakayahan ko na yun nga, alam kong makaka-disappoint ako ng tao, especially iyong parents ko, iyong mga taong malalapit talaga sa akin.”

HIS FAMILY’S REACTION

Sa vlog interview ni Ogie Diaz na na-publish noong Mayo 6 sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, sinabi ni Jervy na ang unang nagalit sa kanya ay ang kanyang ina.

Nakausap na rin ba ni Jervy ang kanyang ama at mga nakatatandang kapatid?

“Yes po, nag-react po ang tatay ko. Pero nag-usap na din po kami ng tatay ko through video call po,” tugon ni Jervy.

“May nag-send po sa mga kapatid ng videos ko. Tinatanong po nung mga kaibigan nila, ‘Oy, si Jervy ba ito?’ Ganito, ganyan.

Continue reading below ↓

“Nagalit nga po iyong mga kapatid ko sa akin. Iyon naman po talaga ang kapalit nun once na ginawa ko yun. Tatanggapin ko po yung consequences.”

Pinagsabihan ba siya ng mga kapatid niya na dapat hindi siya sumabak sa ganoong trabaho? Bakit hindi na lang siya humingi ng pera sa mga kapatid niya kung kapos na talaga siya sa gastusin?

“Ahhh, yes po. Tinanong po nila ako kung bakit ko ginawa iyon. Pero sa amin po kasing magkakapatid, medyo may conflict po kasi kaming family,” pag-amin ni Jervy.

“So, parang may kanya-kanya po talaga kaming buhay. Siyempre, may kanya-kanya na pong pamilya iyong mga kapatid ko.

“So, para sa akin po, ayoko! Ayokong humingi ng tulong sa kanila. Kasi, siyempre, may anak na sila.

“Meron silang ginagastusan. May sarili na rin silang buhay. So, kaya po ako na lang po yung dumidiskarte para sa sarili ko.”

Nag-share ba siya ng kinita niya sa kanyang mga kapatid at magulang?

Continue reading below ↓

“Ahh, sinubukan ko pong mag-abot sa kanila pero ayaw pa nila kasi,” seryosong tugon ni Jervy.

Na-hurt ba siya sa pagtanggi ng mga kapamilya niya?

“Ahh, hindi naman po. Hindi naman po ako sa na-hurt, pero naiintindihan ko naman po yung side nila kung bakit ayaw nilang tanggapin yung tulong ko.”

Motorsiklo pa lang ang binili ni Jervy mula sa kinita niya bilang erotikong performer. Naglaan din siya ng pondo para sa kanyang itinatayong negosyo.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jervy delos Reyes on his first time doing private online content: “Naiisip ko iyong mga taong naniniwala talaga sa akin, sa kakayahan ko na yun nga, alam kong makaka-disappoint ako ng tao, especially iyong parents ko, iyong mga taong malalapit talaga sa akin.”
PHOTO/S: @jervydlreyes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results