PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pia Wurtzbach on alleged Miss Universe 2020 rigged results

"Kasi I read some comments na 'binili' daw, dahil 'madaming Latina sa judges.'
by Rachelle Siazon
Published May 20, 2021
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) congratulates Miss Mexico Andrea Meza (right) for winning Miss Universe 2020. Pia reminds fans protesting against the result: "Sana maging sport tayo. Kasi I read some comments na 'binili' daw, dahil 'madaming Latina sa judges.' Huwag natin i-doubt yung organization. Kasi wala nang manonood ng Miss Universe kung luto ito."
PHOTO/S: @piawurtzbach Instagram / Tracy Ngyuen for MUO

Aminado si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na maraming pageant fans ang nagpoprotesta sa resulta ng Miss Universe 2020.

Si Andrea Meza ng Mexico ang kinoronahang Miss Universe titlist.

Ang iba pa sa Top 5 candidates ay sina Julia Gama ng Brazil (first runner-up), Janick Maceta ng Peru (second runner-up), Adline Castelino ng India (third runner-up), at Kimberly Jiménez ng Domican Republic.

Tingin ng iba ay may ibang kandidatang mas karapat-dapat nanalo base sa performance ng mga ito, kaya hindi maiwasang kuwestiyunin ng ilan ang desisyon ng mga hurado.

Walo ang miyembro ng all-female panel of judges ng 69th Miss Universe, na ginanap sa Miami, Florida. Kung susuriin ang background ng mga ito sa official website ng pageant, karamihan sa mga ito ay nakabase sa U.S.

Dalawa sa mga hurado ay may lahing Latina, isa ang Canadian, isang Hawaiian, isang Korean-American, isang South Asian, at dalawang American.

Pahayag ni Pia ukol dito, "I don't like that hinihimay natin nang sobra yung competition kasi hindi natin matanggap yung winner or yung fate nung candidate natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana maging sport tayo. Kasi I read some comments na 'binili' daw, dahil 'madaming Latina sa judges.'

"Huwag natin i-doubt yung organization. Kasi wala nang manonood ng Miss Universe kung luto ito."

Ayon kay Pia, respetuhin na lamang ang naging desisyon ng judges.

"Yun talaga ang napili ng judges. Siya [Andrea] yung nanalo. It's her destiny.

"Let's shake hands and mean it—congratulations, you know—and accept defeat."

Inihayag ito ni Pia sa kanyang Queentuhan YouTube vlog noong May 18.

Miss Mexico Andrea Meza

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON TOXIC FANS

Ikinagulat din daw ni Pia ang tindi ng bashing mula sa pageant fans mula sa iba-ibang bansa.

Sa halip daw magkaisa ay naglalabanan pati ang netizens sa kanya-kanya nilang pambato sa kumpetisyon.

"Nagiging sobrang toxic ng edition na ito. I don't know if it's because everybody's at home... Nakatutok ba tayo masyado... It just feels more intense this year.

"Ang message ng Miss Universe is magsama-sama, yung acceptance kahit magkakaiba kayo ng mga pinanggalingan.

"Ang pangit na yung audience, sila yung the complete opposite. Watak-watak lahat. Everybody's fighting, pulling each other down, countries throwing jabs at each other.

"It's the complete opposite of what we're saying over and over again—to accept each other.

"Kayo ba hindi napapagod?"

heartbroken over RABIYA's failed miss u bid

Bilang isa sa masugid na tagasuporta ni Rabiya, naiintindihan daw ni Pia ang panghihinayang ng ibang fans sa kani-kanilang pambato na hindi nagwagi sa pageant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging si Pia ay nanghinayang dahil masyadong maiksi ang format ng pageant ngayong taon.

Bukod sa walang opening statement ang mga kandidata, hindi rin nagkaroon ng pagkakataon ang lahat ng kandidata na irampa ang kanilang inihandang evening gown para sa coronation night.

Sinasabing ganito ang naging format bilang bahagi ng safety protocols para maiwasan ang pasahan ng mic at mapaiksi ang running time ng pageant.

Sabi ni Pia sa mga kasama sa Queentuhan vlog na sina 2014 Bb. Pilipinas-International Bianca Guidotti at Mutya ng Pilipinas Intercontinental 2010 Carla Lizardo:

"I knew before it started that cutting off more than half [of the candidates] is gonna be hard. But actually seeing it...

"But the show is about two hours long, ha, even when they did that. Kasi naisip ko, iniksian ba nila dahil COVID?"

Umabot ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya sa first cut o Top 21 finalists at nakarampa pa sa swimsuit competition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang hindi raw matawag si Rabiya sa Top 10 finalists ay nanginig daw si Pia sa sobrang tindi ng emosyon na naramdaman.

Lahad ni Pia: "Kasi medyo nakatutok ako kay Rabiya this year, kaya di ako masyadong maka-comment sa other girls kasi yung sa kanya lang ang napapanood ko palagi.

"When it was the swimsuit [round], when it was getting closer and closer na mabuo na yung 10 tapos wala pa rin, as in nakaganun ako [nakahawak yung dalawang kamay sa ulo], grabe yung kaba ko!

"Tapos nung di nga siya natawag, hindi ako makapag-react right away kasi nanginginig ako.

"Nagla-live tweeting ako pero hindi ako makapag-react right away. Ayaw sumunod ng fingers ko sa gusto ko sabihin."

Nakaramdam daw si Pia ng kirot sa puso nang mabigo si Rabiya na maiuwi ang korona mula sa Miss Universe 2020 pageant.

Aniya, "My gosh, I've never felt that with any Miss Universe Philippines before!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I don't know. May because she was our bunso... Parang you feel like you wanna look after her."

Miss Philippines Rabiya Mateo

CONGRATULATING MISS MEXICO

Pero hindi raw ito naging balakid para matanggap ni Pia ang itinanghal na Miss Universe 2020 na si Andrea Meza ng Mexico.

"We all agree that we're not so much a fan of the new format. But all in all, ok na ako. natanggap ko na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May konting kirot pa rin kay Rabiya, but I'm happy with how the pageant turned out.

"I'm excited for Andrea and I mean that."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach (left) congratulates Miss Mexico Andrea Meza (right) for winning Miss Universe 2020. Pia reminds fans protesting against the result: "Sana maging sport tayo. Kasi I read some comments na 'binili' daw, dahil 'madaming Latina sa judges.' Huwag natin i-doubt yung organization. Kasi wala nang manonood ng Miss Universe kung luto ito."
PHOTO/S: @piawurtzbach Instagram / Tracy Ngyuen for MUO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results