PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Guimary on how she caught her cheating boyfriend

Sunshine Guimary: "So, siyempre, nakita na, de-deny pa rin!"
by Rachelle Siazon
Published May 27, 2021
Sunshine Guimary on seeing her boyfriend with another woman: "Pag napi-feel mo na nagtsi-cheat, tapos may something sa text, ok na siguro yung sa text. Pero yung aktuwal na makikita mo sa mata mo... Madumi yung isip mo pag natutulog ka na. Kasi nakikita mo sila."
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram

Naniniwala si Sunshine Guimary, 26, na hindi ibig sabihin na maganda at sexy ang isang babae ay hindi na nito mararanasang lokohin ng karelasyon nito.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ikinuwento ni Sunshine ang hiwalayan nila ng dati niyang nobyo wala pang isang taon ang nakararaan.

Si Sunshine ay Cebu-based vlogger at baguhang aktres na bida sa Kaka, ang sexy comedy film na ipalalabas sa VivaMax sa May 28.

"Siguro concern ng lalaki talaga, siguro sakit talaga. Hindi naman lahat, ha? Parang Kaka rin. Hindi nakukuntento," diretsong sabi ni Sunshine sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dugtong niya, "Sa experience ko, hindi totoo na kahit gaano ka pa kaganda, ka-fresh, maligo ka pa every day, kung yung partner mo may sakit talaga, sakit niya talaga iyan.

"Ewan ko lang, ha, yung true love, as in super super true love, hindi ko pa 'yan na-experience.

"Yung parang ako lang yung true love, ako sa kanya hindi. Hindi ko pa na-experience yung pareho kayong baliw sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganda at sexy ni Sunshine ay hindi pa nakuntento ang kanyang nobyo, at nambabae pa raw ito.

Komento ni Sunshine, "Nakakainsulto, di ba?!"

Nahuli raw ni Sunshine ang nobyo na may kasamang ibang babae, at nalaman pa raw niya sa paraang hindi inaasahan.

"Ay, naku! Nahuli, siyempre!

"As in helper ko, magkasama kami, pinipilit niya ako. Feeling ko anghel ko itong helper na ito.

"Gusto niya uminom ng softdrinks na super cold. Sabi ko, 'Magbukas ka sa ref.' 'Ate, gusto ko yung sa bote.' Yung sa bahay kasi naka-can. Gusto niya sa bote.

"Ang purpose niya pala, kasi may bagong motor. Uso ang electronic motor nun. Gusto niya pala magmaneho. Palusot niya lang yung may bibilhin, tapos sinamahan ko.

"Naka-motor kami. Sabi ng helper ko, 'Ate, di ba, sasakyan ni Kuya yun?' Kinakabahan ako kasi, ang sabi niya, pupunta siya sa burol ng mama niya. Bakit parang opposite yung direction ng ruta ng tao na ito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ngayon, to the point na kinonfirm ko plate number. 'Ay, tama!'

"Tapos nung papunta na ako sa sasakyan, may babaeng bumaba."

CONFRONTING HER CHEATING BOYFRIEND

Hindi raw kinumpronta ni Sunshine ang babaeng nahuli niya. Bagkus ay hinarap niya ang nobyo.

"Sabi ko, 'Uwi. Usap tayo sa bahay.' Ang location [kung nasaan kami] may nakakilala talaga sa akin. Hindi puwedeng mag-eskandalo and hindi rin ako maeskandalo."

Ano ang paliwanag ng nobyo niya tungkol sa kasama nitong babae?

Sagot ni Sunshine, "So, siyempre, nakita na, de-deny pa rin! Pinagmumukha ka pa ring tanga."

Nangatuwiran daw ang nobyo niya na "friend" lang ang babaeng kasama nito.

"Sabi ko, 'Ang ganda ng friend. Bata.' Walang valid excuse. Yun talaga, nanginginig na siya. Yung mata, namumula na. Alam na alam mo nagbibigay lang siya ng excuse.

"Yun na. Nanginginig na rin ako. Parang, 'Sarap sabunutan nito.' Kaya yun.'"

SUNSHINE'S HEARTBREAK

Nawalan daw ng tiwala si Sunshine sa nobyo dahil pakiramdam niya ay may relasyon ito sa babaeng kasama nito sa kotse noong mahuli niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag niya: "Eto natutunan ko. Alam niyo, mas mabuting huwag niyo makita. Pag nakita niyo, dyusko, isusumpa mo buhay mo! Huwag na lang.

"Pag napi-feel mo na nagtsi-cheat, tapos may something sa text, ok na siguro yung sa text.

"Pero yung aktuwal na makikita mo sa mata mo... Madumi yung isip mo pag natutulog ka na. Kasi nakikita mo sila. Mabi-visualize mo pag pikit ng mata mo."

Hindi raw matanggap ni Sunshine dahil tingin niya ay hindi siya nagkulang sa pagmamahal sa nobyo.

"As in lahat ng gusto niya, sunud-sunuran talaga ako. Kasi feeling ko, forever na, may future kayo.

"Gabi-gabi ako umiiyak. Lugmok talaga. Antaas ng tiwala mo. Tapos biglang hindi ka makapaniwala. As in drop talaga.

"Actually, pinatawad ko pa. Shunga lang!"

Pero sa huli ay nakipaghiwalay raw si Sunshine sa kanyang nobyo.

"Hindi na maganda talaga. Niloloko ka na. Nagmumukha ka lang tanga.

"Sabi ko, 'Forever tanga lang? Parang niloloko ko lang sarili ko. I think time na siguro para mag-stand up.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagbago ako. Ang dami ko natutunan. Hindi pala lahat ang mundo mo sa kanya.

"Kailangan mo talaga mag-step out of the box. Dapat matuto ka mamuhay mag-isa. Importante iyon."

Hindi na rin daw niya hinunting at kinompronta ang ibang babae ng kanyang nobyo.

"Maraming chance, pero ayoko. Alam mo yung feeling na, 'Bakit ko pag-aaksayahan ito?'

"May mga kaibigan ako na talagang mababait talaga. Sabi nila, 'Huwag ka makipag-level sa mga ganyan.' Pinipigilan nila ako.

"Grateful ako na may mga kaibigan ako na napaka-positive. Gina-guide nila ako sa tamang landas.

"Sabi ko, 'Well, tama.' Nag-wake up na rin ako kasi pagod na rin ako umiyak.

"Nanalamin ako. Nag-self pity ako... Kaya ine-enjoy ko na lang sa Instagram."

HER PRAYER: "Patulungin mo na, Lord, ang puso ko."

Malaking bagay raw ang pagdarasal para maalis sa isipan niya ang pagkapraning sa panloloko sa kanya ng nobyo.

"Dasal. Church. Naiiyak tuloy ako. Huwag kayo ganyan," ani Sunshine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabay sabi niya sa PEP.ph, "Hindi ako nag-chika sa mga ganito. Napachika mo ako dun, a!"

Sa huli, inulit ni Sunshine na hindi talaga sa ganda nadadaan ang tatag ng isang relasyon.

"Hindi naman sa looks. Akala ko nga yung babae... Kasi wala rin naman looks. Nakakagigil!" natatawang sambit ni Sunshine.

Sabay seryosong sabi niya, "Nagising din ako. Ganun pala ang meaning ng love... Mahirap timbangin...

"Kaya ang dasal ko, iba na. 'Patulugin mo na, Lord, ang puso ko. More on utak na. '"

Watch full PEP Exclusives with Kaka lead actress Sunshine Guimary and co-star Jackie Gonzaga:

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Guimary on seeing her boyfriend with another woman: "Pag napi-feel mo na nagtsi-cheat, tapos may something sa text, ok na siguro yung sa text. Pero yung aktuwal na makikita mo sa mata mo... Madumi yung isip mo pag natutulog ka na. Kasi nakikita mo sila."
PHOTO/S: @sunshine_guimary Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results