PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo, mother convo after failed Miss Universe bid

Christine Mateo: "Sa akin lang talaga, safety ng anak ko ang concern ko talaga."
by Melba R. Llanera
Published May 28, 2021
Christine Mateo on conversation with daughter Rabiya Mateo after the Miss Universe 2020 pageant: "Nasabi lang niya, 'Ma, hanggang dun lang narating ko.' Sabi ko sa kanya, 'I love you, anak. Since tapos na ang event, set aside mo na ang isip mo. Magpahinga ka muna. Take your time.'"
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram

Hindi man pinalad na maiuwi ang Miss Universe 2020 title, ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ay labis pa ring ipinagmamalaki ng kanyang ina na si Mrs. Christine Rabiya.

Ginanap ang grand coronation ng Miss Universe 2020 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Miami, Florida, noong May 16, 2021.

Pumasok si Rabiya sa Top 21 semifinalists, pero nalaglag ito sa sumunod na round. Si Andrea Meza ng Mexico ang nag-uwi ng titulo at korona.

Sa panayam ng Cinema News, ibinahagi ni Christine na alam niyang ginawa ni Rabiya ang lahat para maging maganda ang performance nito sa prestihiyosong beauty pageant.

"Proud ako kay Rabiya because of her sacrifices, perseverance, endurance na i-represent ang Pilipinas," sabi ni Christine.

Patuloy niya, "Kahit minsan nag-aalala ako sa anak ko, nasa Iloilo ako, nasa Manila siya at mag-isa lang siya.

"Talagang nakaka-proud ang anak ko at nakakaya niyang mag-survive, siyempre sa tulong ng mga kagrupo niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa akin lang talaga, safety ng anak ko ang concern ko talaga."

WHAT CHRISTINE TOLD daughter RABIYA

Ikinuwento rin ni Christine ang naging pag-uusap nila ni Rabiya matapos itong mabigong iuwi ang karangalan bilang Miss Universe 2020.

Pinalakas daw ng butihing ina ang loob ng anak.

"Nasabi lang niya, 'Ma, hanggang dun lang narating ko.'

"Sabi ko sa kanya, 'I love you, anak. Since tapos na ang event, set aside mo na ang isip mo. Magpahinga ka muna. Take your time.

"'Galing ka sa pageant and napakahirap ng naranasan mo. Magpahinga ka muna for a while, and I'm looking forward for you to come back home.'"

Pinayuhan din niya si Rabiya na mag-enjoy habang nasa U.S.

Lahad pa rin ni Christine, "Sabi ko sa kanya, 'Anak, pakabait ka diyan, enjoy mo. Magpahinga ka muna. Enjoy mo pagpunta diyan. First time mo diyan.

"'May relative tayo diyan. Try to reach them nang makilala mo sila. Enjoy mo din ang lugar, nakapunta ka sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Nandito lang kami. Take care of yourself.'"

ON JUDGES' DECISION: "WALA TAYONG MAGAGAWA"

Ayon kay Christine, nang makapasok sa Top 21 ang anak ay labis ang pagbubunyi nila ng mga kasamang nanood.

Pero alam daw niyang wala siyang magagawa sa desisyon ng mga hurado nang malaglag ang anak sa sumunod na round.

"Masaya kami, nagpalakpakan kami, naghiyawan, 'Nakapasok si Rabiya!'

"Kaso nung Top 10, bumaba na yung energy namin. Pero wala tayong magagawa, e.

"Siyempre, wini-wish ko na makapasok siya kasi maganda naman ang performance ni Rabiya sa swimsuit competition niya.

"Well-applauded ng audience, maririnig mo. Nag-expect tayo na sana makapasok siya."

Sa Iloilo ang hometown ng mag-inang Christine at Rabiya.

Mahirap man daw para kay Christine na malayo sa anak habang nagte-training ito noon sa Manila, buo ang suporta na ibinigay niya rito.

"Ang journey talaga ni Rabiya, marami siyang sacrifices pati sa family. Almost one and a half months kaming di nagkita."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON SEEING RABIYA CRY

Hindi rin kaila kay Christine ang emosyunal na pag-iyak ni Rabiya pagkatapos ng performance nito sa National Costume competition, ilang araw bago ang coronation night.

Bilang isang ina, ramdam ni Christine ang hirap na pinagdaanan ng anak lalo't inulan din ito ng pamba-bash sa ibang netizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Rabiya, nagkasugat sa paa, nagdugo. Aside from that, 21 kilos ang bitbit niyang costumes.

"Siguro nag-release siya ng tension dahil natapos na yung National Costume niya.

"Naawa ako sa anak ko. Yun ang nasa isip ko, nag-release siya ng tension after."

Pinayuhan daw ni Christine si Rabiya na huwag magpadala sa bashers.

"In spite of that, madami pang nang-bash sa kanya. Sabi ko nga sa kanya, 'Huwag mong intindihin ang mga iyan, anak. Focus ka lang.'

"After that, she's on the right track. Nag-focus na siya sa competition.

"I gave way sa kanya kasi representative siya ng Pilipinas. Dito siya nag-training sa Manila para ma-represent ang Pilipinas."

GRATEFUL TO RABIYA'S SUPPORTERS

Nagpasalamat si Christine sa mga nagpahayag ng suporta sa anak.

"Sa mga sumusuporta kay Rabiya, kahit di ko kilala, yung iba nag-message kahit di ko friend, may message to congratulate Rabiya. Happy sila for Rabiya.

"Sa ibang mga bashers, di ko pinapansin. Sabi ko kay Rabiya, 'In our life, count your blessings in spite of bashing.'"

Tinanong din namin si Christine kung ano ang alam niyang plano ng anak pagbalik nito sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nais nga raw sumabak sa showbiz ni Rabiya pagkatapos ng Miss Universe Philippines reign nito.

Ani Christine, "Kung ano ang next plan, wala pa, hindi pa sinasabi sa akin.

"Through her interview, she is interested to be in a movie and continue her studies into medicine."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Mateo on conversation with daughter Rabiya Mateo after the Miss Universe 2020 pageant: "Nasabi lang niya, 'Ma, hanggang dun lang narating ko.' Sabi ko sa kanya, 'I love you, anak. Since tapos na ang event, set aside mo na ang isip mo. Magpahinga ka muna. Take your time.'"
PHOTO/S: @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results