Kitang-kita ang kakisigan ni Derek Ramsay sa larawan ng kanyang hubad na katawan na kinunan habang siya ay naliligo.
Nag-post si Derek matapos i-post ng kanyang fiancée na si Ellen Adarna kamakailan ang kanyang sexy photos na pinuri at pinagpiyestahan ng netizens.
Ipinost ng actor sa kanyang Instagram account ang photos niya sa shower nitong Biyernes, May 28, 2021.
Nakatalikod sa camera si Derek na hubo’t hubad habang naliligo sa shower.
Kitang-kita rin ang mga tattoo sa likuran ng aktor.
Halatang gustong ibida ni Derek kay Ellen ang talent niya sa pagkuha ng larawan. Kay Ellen kaya siya nagpapa-impress?
Caption ni Derek: “Fiance got skills [camera emoji]”

Nakuha naman ni Derek ang atensiyon ni Ellen. Sunud-sunod na smirking emoji ang comment ng aktres.

Ayon sa emojipedia, ginagamit ang smirking emoji bilang tanda ang pagpi-flirt.
NETIZENS REACT
Pero hindi lang si Ellen ang nakuha ang atensiyon, kundi pati netizens.
Hindi nakaligtas sa mapagmatyag na netizens ang ginawang post ni Derek.
Hashtag ng ilang netizen sa seksing larawan ni Derek: “#sexyback”


Kahit walang salitang ginamit, sapat na ang emojis para ipahayag ang paghanga nila sa sexy pics ni Derek.
May gumamit ng fire emojis, heart emojis, at naglalaway na emojis.

May mga pilyong hirit din gaya ng huwag daw bastos si Derek at humarap ito. Sa susunod naman daw ay front shot ang ipakita niya.



