Watch Now

Kitkat admits nose and boob job: “Talaga namang retokada ako.”

by Bernie V. Franco
Jun 1, 2021
Comedienne Kitkat does not hide the fact that she went under the knife many times to improve her looks.
PHOTO/S: @favkitkat on Instagram

Walang pag-aalinlangang inamin ni Kitkat, 33, na maraming beses na siyang nagparetoke.

Nagpawa na siya ng ilong, dibdib, at nagpa-inject ng fillers sa mukha.

Sa interview niya sa podcast-online show na Over A Glass or Two noong Biyernes, May 28, tinanong si Kitkat kung ano ang nagbago sa kanya sa 15-16 years niya sa showbiz.

“Ay, oo, yung boobs ko nagbago. Dalawang beses ‘yan.

“Yung ilong ko nagbago,” walang pangingiming pagbubunyag ng TV host-comedienne.

Sundot pa niya, “Ito ang pinakabago. Kahapon, nag-taping ako.

“Nung isang araw nagpa-lip filler at chin filler. O, ‘yan ang bago.

“May concealer pa ‘yan kasi may pasa.”

Ang “fillers” ay ang dermal fillers na ini-inject sa ilang parte ng mukha para ma-enhance ang features ng isang tao.

Ipinaliwanag pa ni Kitkat kung paano ma-achieve ang “hugis bigas” look o magmukhang elongated ang mukha.

“Dapat [lampas] sa double chin mo [ang baba] para hindi bilugin ang mukha mo,” sabi niya sa pagpapalagay ng chin filler.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya pa tungkol sa dermal fillers, “Non-invasive ito. So, mga six to eight months mawawala na rin siya.”

Bukod daw sa kanyang ilong, wala na siyang ipinaopera sa mukha.

“May mga permanent surgery, pero ayoko na din naman magpa-permanent.

“So, sa mukha ko, basically, ang sinurgery lang talaga, ilong.

“Kaya lang, nagkataon apat na beses ‘to.”

Idinadaan na nga lang daw niya sa tawa ang panlalait sa kanya ng bashers na tinatawag siyang “retokada.”

Ani Kitkat, “Parang ang sagot ko, ‘Sa’n ka galing, e, talaga namang retokada ako?!’

“Pero mas marami pang retoke yung iba.

“Sa akin ilong lang naman ang gawa sa face ko, e, tsaka yung boobs ko.

“Pero yung iba, buong mukha, di ba?”

Hindi raw kagaya ng ibang celebrities si Kitkat na “deny to death” kapag inaakusahan ng bashers na nagparetoke sila.

Hindi raw niya itinatanggi ito.

“'Retokada. Oo, bakit? Sa’n ka galing?’ Di ba?

Kaya natatawa raw si Kitkat kapag tinatawag siyang retokada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman bash yun, e, di ba?” natatawa niyang katuwiran.

Hindi rin daw siya nasasaktan kapag tinatawag siyang "hindi sikat."

“E, hindi naman talaga ako sikat,” sambit niya.

KITKAT HAD MULTIPLE IMPLANTS

Ipinaliwanag ni Kitkat kung bakit ilang beses siyang “nagpagawa” ng ilong at dibdib.

Nagbabagu-bago raw kasi ang mga ini-endorse niyang beauty clinics.

“'Yon yung point ng pag-e-endorse mo, e.

“Kumbaga ako, businesswoman din ako. Siyempre, kung kukuha ako ng endorser, bakit mo itatago?

“E, kaya nga ine-endorse mo, e, para manghikayat ng ibang tao, e.

“Kaya nga ilang beses yung ilong ko at ilang beses din yung boobs ko, kasi lumilipat din ako ng ine-endorse.

“Siyempre baka sabihin, ‘E, gawa pa ng ganyan, e.’ O, di ba, pag bago ang ine-endorse, gawa nila [dapat].”

Binanggit din niya ang procedures na pinagdaanan niya dahil sa pag-iiba ng mga ine-endorse na beauty clinics.

“Siyempre, kunwari, dati silicone lang naman ang meron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre, nagle-level up. Biglang pag lumipat ka na ng ibang clinic, nag-level up, na naging Gore-Tex na."

Ang Gore-Tex ay isang uri rin ng implant procedure na nakikilala na rin.

“’Tapos, ito ngang last ko, yung cartilage na ng tenga ko ‘to,” sabay hawak sa kanyang ilong.

Ang tinutukoy ni Kitkat ay ang ear cartilage graft sa pagre-revise ng rhinoplasty o nose surgery.

“Kaya nga nakakarinig din itong ilong ko,” pagbibiro pa niya.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedienne Kitkat does not hide the fact that she went under the knife many times to improve her looks.
PHOTO/S: @favkitkat on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results