Kung dati ay maingat si Dominic Roque na hindi mag-post ng pictures kasama ang rumored girlfriend na si Bea Alonzo, ngayon ay hindi na.
Sa kanyang recent Instagram Story, sunud-sunod ang post ni Dominic tampok si Bea.
Hindi na ma-view ang posts ni Dominic dahil nakalipas na ang 24 oras mula nang i-post niya ang mga ito, pero na-screenshot ito ng fans nila.
Matipid man sa caption ang mga post ng aktor, may mga indikasyong maraming beses na silang nagkasama at nais pa niyang “makasama” ang dramatic actress.
Nitong Lunes, May 31, ipinost ni Dominic sa Instagram Stories ang birthday greeting niya para sa Star Magic handler at kaibigang si Nina Ferrer.
Sa unang photo ay larawan ng handler na inaakbayan ni Bea. Naka-tag sa photo si Bea.
Sa pangalawang photo ay stolen shot ng handler at ni Bea na parehong natutulog sa backseat ng kotse, habang nasa driver’s seat si Dominic.
Sa ikatlong photo ay screenshot ng post ng isang fan nina Bea at Dominic.
Sa post, tampok ang YouTube video ni Dominic tungkol sa kanyang motorbiking.
Nagkataon namang makikita na ang suggested next video ay ang video ni Bea.
Para sa netizen na nag-post ng screenshot, isa itong “sign” para sa rumored couple.
Caption ng netizen (published as is): “PARANG SIGNAL NA ATA TO NA KAILANGAN NIYO NG MAG COLLAB NA KAYO BEADOM [heart emoji]”
Sa motorbiking video ni Dominic, mababasa ang comment ng netizen na “Kailan kaya yong Jowa challenge with BEA!”
Malinaw namang pinapaboran ito ni Dominic dahil ni-repost niya ito.

Kung titingnan ang ilan sa recent Instagram posts ni Dominic, kapansin-pansing nagre-react na si Bea.
Katulad na lamang ng post ngayong araw ni Dominic na burger combo ng kilalang burger joint sa U.S.
Ni-like ito ni Bea at nagkomento ng drooling emoji.
May recent posts din si Dominic na naka-like ang aktres.

BEA-DOMINIC ROMANCE
Ilang buwan na ring pinag-uusapan ang pagkakamabutihan nina Bea at Dominic, pero wala pang kumpirmasyon ang dalawa.
Nabibisto naman ang dalawa sa Instagram posts nila na bagamat hindi magkasama ay nasa parehong lugar.
Tila nabisto ang kanilang pagkakamabutihan nang magsalita si Beth Tamayo, tita ni Dominic.
Sa March 2021 interview ni Beth sa PEP Troika, inamin nitong nag-reach out sa kanya si Bea nang ikasal siya noong January.
Sinabi rin ni Beth na sina Dominic at Bea “are happy.”
Sa pahayag ni Beth ay mahihinuhang ibinisto niyang magkasama nga sina Bea at Dominic sa isang beach getaway sa Amanpulo.
Kinumpirma naman ni Bea na nakikipag-date siya ngayon, pero walang direktang pag-amin kung magkarelasyon na nga sila ni Dominic.
Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
