"The real thing is, we're not together anymore..."
Kumpirmadong hiwalay na sina Neil Salvacion at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Ito ay kinumpirma mismo ni Neil sa kanyang Instagram Stories ngayong gabi ng Biyernes, June 4.
Ikinalungkot din ng binata ang mga negatibong komentong nabasa niya ukol sa kanila ng dating nobya.
Sabi ni Neil, "Spreading rumor eithout even knowing the real story is just too much.
"We don’t deserve all the negatrivities manifested towards us, esp towards rab, she worked hard to achieve whatever she has right now, and she deserves it all."
Hindi raw makatarungang matahin o sabihan ng mga masasakit na salita ang isang tao para lamang may maibato sa kanila.
Gayunpaman, kahit hiwalay na sila ni Rabiya ay nananatili raw silang masaya sa kani-kanilang mga buhay.
Pahayag pa ni Neil, "It’s NEVER okay to degrade a person just to prove a point, I mean, if you have nothing good to say, it’s better to keep within yourself."
Pag-amin niya: "The real thing is, we're not together anymore, but we're both okay, moving forward, we talked and we're both happy with our own lives.
“We both believe that God placed us in this kind of situation for a reason, and that is for the better."
Nanawagan din siyang maging positibo at magbigay ng respeto ang mga tao sa kanilang kapwa.
Aniya, "It doesn’t cost a cent to be kind guys, let’s spread kindness and be respectful towards each other, may it be through thoughts, words or deeds.
"Palangga-anay lang ta nyo bala! [Magmahalan tayong lahat!]
"Padayon sa kinabuhi! [Patuloy lang tayo sa buhay!]

Unang umingay ang hiwalayan ng dalawa noong nakaraang linggo matapos burahin ni Neil ang lahat ng larawan nila ng Ilongga beauty queen sa kanyang Instagram account.
Kasunod nito ang pag-amin ni Rabiya na "complicated" ang relasyon nila ni Neil.
Ngayong araw rin, napansin ng mapanuring mata ng netizens na in-unfollow na nila ang isa't isa sa Instagram.
Pitong taon ang itinagal ng kanilang relasyon.
