Watch Now

Actress-director Arlene Tolibas, pumanaw sa edad 55

by Jojo Gabinete
Jun 5, 2021
Character actress at dating direktor Arlene Tolibas, pumanaw noong June 3, 2021, sa edad na 55.

Ipinagluluksa ng television industry ang pagpanaw ng character actress na si Arlene Tolibas na binawian ng buhay sa edad na 55 noong June 3, 2021 dahil sa cardiac arrest.

Bago nadiskubre ang kakayahan niya na umarte sa mga pelikula at television show, nakilala muna si Arlene bilang floor director ng mga television program at awards night ng mga award-giving body tulad ng Gawad Urian, Star Awards, Film Academy of the Philippines at Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Ang masaya at makulay na buhay ni Arlene ang dahilan kaya isinadula ito noong August 2013 ng Magpakailanman ng GMA-7 .

Si Sunshine Dizon ang gumanap na Arlene sa Magpakailanman episode na pinamagatang "Isang Linggong Pag-ibig."

Sunshine Dizon, Magpakailanman, Arlene Tolibas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga pelikulang Bala at Lipistik, She's The One, My Other Woman, Alabama Girls, Tarot, Nena, Glorious, Buddy En Sol, ParangNormal at My Little Juan ang ilan sa mga nakaraang movie at television projects ng namayapang comedienne.

Nakaburol ang bangkay ni Arlene mula June 4 hanggang June 8 sa Imperial Classic Chapel ng Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City.

Para sa kaligtasan ng lahat ng mga makikiramay, mahigpit na ipatutupad sa memorial service para kay Arlene ang physical distancing, paggamit ng face shields, facemask at limitado na bilang ng mga tao sa loob ng chapel.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Character actress at dating direktor Arlene Tolibas, pumanaw noong June 3, 2021, sa edad na 55.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results