Noong May 19 ay ipinagdiwang ng Kapuso sweethearts na sina Barbie Forteza at Jak Roberto ang kanilang ika-4 na anibersaryo.
Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Barbie at Jak kamakailan sa pamamagitan ng virtual interview, tinanong namin si Barbie kung ano ang naging anniversary gift ni Jak sa kanya.
Nagbiro si Barbie na sabi raw ni Jak, magbibigay ito ng bouquet of flowers sa kanya. Pero natawa rin saka sinabing, “Mas masarap naman ang kapalit! Hindi naman kasi nakakain ang flowers, di ba?
“Mas masarap ang seafood!”
Nagpalitan lang din daw sila ng regalo na seafood at saka magka-video chat na kumain kaya parang nag-virtual date na lang din sila noong 4th anniversary nila.
IS BARBIE "THE ONE" FOR JAK?
Sa naging Instagram message ni Jak kay Barbie noong anniversary nila, malinaw na sinabi nitong siya na ang “the one” para rito.
Ang buong IG caption ni Jak, “Too many to mention mahal ko. Pero lahat ng trip natin pareho, kaya siguro umabot din tayo ng apat na taon, at hanggang ngayon wala akong masabi kundi ikaw ang THE ONE, salamat sa lahat ng binibigay mo saking suporta, mapatrabaho man yan o kung ano mang mga plano ko satin! Mahal na mahal po kita Madam! Happy 4th Anniversary!”
Ano naman ang pakiramdam nung sinabihan na siyang siya na ang ‘the one’ ng kanyang nobyo?
“Sobrang na-touch ako,” pag-amin niya.
“Kasi kami ni Jak, sobrang lagi kaming nagbibiruan lang naman. Palagi kaming naglolokohan lang, ganyan.
“Pero for him to really claim na ako iyong the one and to even post that in social media, na talagang proud to be my boyfriend, sobrang nakaka-touch.”
Dugtong pa niya, “Nakakatuwa lang na coming from him na very kalog, very funny, never naman naming napag-usapan.
“Napagbibiruan, but for him to claim it and actually post it, nakaka-touch.”
BARBIE SAYS CONSTANT COMMUNICATION IS KEY TO STABLE RELATIONSHIP WITH JAK
Ikalawang taon na nila ni Jak na nagse-celebrate ng anniversary na magkahiwalay at may pandemic.
Pero nananatiling matatag ang relasyon nila.
Kapag natapos na ang pandemya, ano ang magiging ‘take-away’ ni Barbie sa kanilang dalawa?
Lahad niya, “Siguro iyong fact na hindi basehan kung magkasama kaming dalawa physically. Hindi siya basehan ng pagkakaroon ng matatag na relationship.
“It’s all about having fun kahit hindi kayo magkasama. Iyong consistent na pag-uusap, communication.
"In fairness kasi sa amin ni Jak, since pareho kaming madaldal, hindi kami nauubusan ng pag-uusapan. Never kaming nagkaroon ng dull moment kahit magka-video call lang kami.”
BARBIE FEELS SECURE IN RELATIONSHIP WITH JAK
At bukod sa mga nabanggit niya, secure daw kasi sila pareho sa relasyon na meron sila.
Pag-amin ni Barbie, “Feeling ko, ang number one na masasabi kong meron ako sa relasyon namin ni Jak is security.
"Kasi, kahit may pandemic, kahit kailangan naming mag-quarantine apart, hindi naging problema yun with us. May security kami.
“Kumbaga, secure kami sa isa’t isa at alam naming magagawan namin ng paraan kahit ganito yung sitwasyon. Alam namin na mae-enjoy pa rin namin ang journey kahit pandemic.
At saka ito natatawang humirit sa boyfriend na nasa Zoom interview rin at nag-warning ng, “Malalaman na lang natin. Sana walang matutukso sa lock-in.”
