MJ Lastimosa teases Rabiya Mateo: "Tawa now iyak later"

by Nikko Tuazon
Jun 6, 2021
Rabiya Mateo, Mary Jean Lastimosa, MJ Lastimosa
On June 5, 2021, Saturday, former beauty queen Mary Jean "MJ" Lastimosa teased Rabiya Mateo on her Instagram post with a comment saying, "tawa now iyak later," alluding to Rabiya's recent breakup with longtime boyfriend Neil Salvacion.
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram

Hindi napigilan ng dating beauty queen na si Mary Jean "MJ" Lastimosa na biruin si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo sa isang post nito sa Instagram.

Nitong June 5, 2021, nag-upload si Rabiya ng litrato mula sa kanyang pagbisita sa Castello di Amorosa, isang sikat na medieval-style Tuscan castle winery na matatagpuan sa Napa Valley, California.

Sa litrato, makikitang nakangiti si Rabiya, kahit na samu't saring opinyon ang nakukuha nito mula sa mga netizens matapos makumpirmang hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Neil Salvacion.

Nag-iwan din si Rabiya ng isang inspirational message sa caption ng kanyang Instagram post. Sabi nito, "As you travel, you get to experience what life truly means."

View this post on Instagram

A post shared by Rabiya Mateo (@rabiyamateo)

Isang grupo ang kasama ni Rabiya nang bumisita ito sa Castello di Amorosa.

Kabilang dito ang former Pinoy Big Brother housemate na si Andre Brouillette, ang creative director ng Miss Universe Philippines Organization na si Jonas Gaffud, at si Darik Cuevas na mula rin sa MUPO.

Continue reading below ↓

Tila hindi nakasama si MJ sa kanilang lakad ngunit nag-iwan naman ito ng pabirong post sa Instagram post ni Rabiya.

Komento ni MJ, "Luh luh luh tawa now iyak later [emojis]"

Rabiya Mateo

MJ'S FRIENDSHIP WITH RABIYA

Si MJ ang isa sa naging confidante ni Rabiya sa kanyang Miss Universe 2020 journey.

Continue reading below ↓

Noong May 18, 2021 (U.S. time), isang araw matapos ganapin ang 69th edition ng Miss Universe pageant, hindi napigilan ni Rabiya ang sarili na maging emosyunal nang makita nito si MJ at ang Miss Universe Philippines Organization national director na si Shamcey Supsup.

Mahigpit na niyakap ni Rabiya si MJ sa thanksgiving/send-off lunch na inorganisa ng isang Filipino restaurant sa Miami, Florida, USA.

Kuwento ni MJ sa livestream ng Plus Talks: Para sa Pinoy sa Kumu, noong May 19, "Nung nakita ko siya, wala pa kaming sinasabi at wala pang words ‘yon, hindi pa kami nag-uusap nun…

"Nung nakita niya lang ako, bigla na siyang na-teary-eyed, at ayun na nga, siguro naibuhos na niya yung emotion niya."

"Sabi ko, ‘Hindi tayo mag-uusap dito. Kasi maraming tao.’ Hindi ko nga ini-expect. Medyo tinatakpan namin kasi, siyempre, marami nang… para maprotektahan din natin si Rabiya.

"Pero sabi ko sa kanya, ‘I-enjoy muna your time.’ She wanted to mag-me time muna, at mag-travel."

Continue reading below ↓

Naging mas malalim ang kanilang pagkakaibigan lalo't isa si MJ sa mga judges na pumili kay Rabiya para maging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 pageant.

Ilang beses ding ipinagtanggol ni MJ si Rabiya mula sa mga bashers. Kasama na rito iyong panahong umani ng negative reactions mula sa Filipino pageant fans ang national costume ni Rabiya.

Sa kasalukuyan, muling magkasama si Rabiya at si MJ. Si MJ pa mismo ang nagsilbing hairstylist ni Rabiya bago ito tumungo sa meet-and-greet session nito kasama ang Fil-Am South Bay community sa Fremont, California.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On June 5, 2021, Saturday, former beauty queen Mary Jean "MJ" Lastimosa teased Rabiya Mateo on her Instagram post with a comment saying, "tawa now iyak later," alluding to Rabiya's recent breakup with longtime boyfriend Neil Salvacion.
PHOTO/S: @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results