PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez on idol John Lloyd Cruz: “Welcome po sa Kapuso.”

Sanya Lopez wants to work with John Lloyd Cruz.
by Bernie V. Franco
Published Jun 7, 2021
Kapuso actress Sanya Lopez recounts being starstruck with idol John Lloyd Cruz after bumping into him some years ago. "Pa-picture talaga ako."
PHOTO/S: PEP.ph /@sanyawarriors on Instagram (inset)

Isa si Sanya Lopez, 24, sa Kapuso stars na natuwa nang mapabalitang mapapanood na sa GMA-7 ang idolo niyang si John Lloyd Cruz, 37.

Makalipas ang halos apat na taong pamamahinga sa showbiz, nasilayan muli sa telebisyon si John Lloyd sa pamamagitan ng event ng online shop na Shopee na umere sa GMA-7, nitong Linggo, June 6, 2021.

Naging malaking instrumento si Willie Revillame sa appearance ni John Lloyd sa brand event.

Si Willie ang host ng game show na Wowowin, na blocktimer sa GMA Network.

Bago pa man ang paglabas ni John Lloyd sa Kapuso network, nauna nang umingay ang balita sa social media.

Pag-amin ni Sanya, isa siya sa mga nakasagap ng balitang ito.

“Oh my gosh. I’m a fan. Hahaha!” excited na sambit ni Sanya nang matanong siya sa PEP Live noong June 1.

Hindi na naitago ni Sanya ang paghanga niya sa dramatic actor, maging sa kilalang ka-love team ng aktor na si Bea Alonzo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang fan ako ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, as in.

“Kasi grabe silang mag-acting-an. Bakit ba ganito?” sabi ni Sanya na halatang na-excite.

Dagdag niya, “Pag John Lloyd Cruz, as in drama.”

Pangarap din daw ni Sanya na makaeksena ang premyadong aktor, na magaling daw sa pagbibigay-buhay sa kanyang mga role.

“Gusto kong makatrabhao si John Lloyd Cruz before pa," sabi ng Kapuso actress.

“As in, napanood ko yung mga pelikula niya. Ang galing niya kung paano... tsaka pag binigay sa kanya yung role, parang siya talaga.

“Yung talagang siyang-siya. Binubuhay niya talaga ang bawat role na binibigay sa kanya.

“Of course, Mr. John Lloyd Cruz, sana magkaroon tayo ng trabaho together, and welcome po sa Kapuso [network].”

SANYA FANGIRLS OVER JOHN LLOYD CRUZ

Inilahad ni Sanya ang senaryo nang may napagtanungan siya tungkol nga sa balitang mapapanood sa GMA-7 si John Lloyd.

“Sabi ko, ‘Totoo ba na Kapuso na si Mr. John Lloyd Cruz?’ Sabi, oo daw. Yun na daw talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tapos sabi ko, Ha?! Pangarap ko talaga siyang makatrabaho.’

“Sana. Sana kapag binigyan ng chance, isa si Mr. John Lloyd Cruz sa mga makatrabaho ko talaga.”

Nagbalik-tanaw rin ang Kapuso actress kung paano siya nagpaka-fan girl nang mabigyan ng pagkakataong makita si John Lloyd sa personal.

Nagpaalam si Sanya kung pwede siyang magpa-picture sa idolo.

“Nagkita kami sa isang restaurant sa… may ginagawa siyang pelikula kasama si Sarah Geronimo.

“Actually, si Sarah and siya [John Lloyd]. Nagpa-picture kami. Nagpa-picture talaga ako kasi fan ako, e.”

Kahit daw artista na si Sanya, hindi nawawala ang pagiging fan niya sa aktor.

“Kasi ang galing nila. Ang husay nilang aktor, aktres. Kaya yung paghanga ko…

“Hindi porke’t artista na ako… nandun pa rin talaga. Parang ganun.

"Pa-picture talaga ako sa kanila. Na-starstruck talaga ako.”

Nagkataon namang kilala ng manager ni Sanya ang direktor ng pelikula nina John Lloyd at Sarah.

“Yung direktor nila, yung manager ko ang may kakilala. Tapos sabi ng manager ko… dun ako nagpaalam kung pwede bang magpa-picture.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nai-post ang larawan nina Sanya at John Lloyd noong 2017.

Mahihinuhang ito ang panahong nagsu-shooting sina John Lloyd at Sarah para sa pelikulang Finally Found Someone na idinirek ni Theodore Boborol.

Taong 2017 din nang mag-indefinite leave sa showbiz ni John Lloyd, na noon ay nasa bakuran pa ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Sanya Lopez recounts being starstruck with idol John Lloyd Cruz after bumping into him some years ago. "Pa-picture talaga ako."
PHOTO/S: PEP.ph /@sanyawarriors on Instagram (inset)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results