Nicole Hyala, husband in tears over miraculous recovery of daughter, provision worth P2.3M

by Rachelle Siazon
Jun 7, 2021
DJ Nicole Hyala and Renly Tiñana on daughter who suffered from meningoencephalitis: "Ang dami nakakabit sa kanya tapos di siya gumigising. Nakatulala lang. Hindi kami kilala. Tapos nanginginig lagi. Napakarami naming tanong. 'Bakit si Princess?' It was really painful to see her there."
PHOTO/S: PapamFam ni Nicole Hyala YouTube / @nicolehyala Instagram

Halos hindi tumigil ang pagpatak ng luha ng disc jockey na si Nicole Hyala at asawa niyang si Renly Tiñana, dahil sa dinaanang kalbaryo ng walong taong gulang nilang anak na si Princess.

Higit isang buwang hindi nagparamdam sa social media si Nicole dahil sa sobrang takot nang magkasakit ang anak ng meningoencephalitis, o inflammation sa brain at sa protective membranes nito.

Marami sa kanyang fans ang nagtataka kung bakit ilang linggong nanahimik ang kuwelang DJ.

Hanggang sa nitong Linggo ng gabi, Hunyo 7, naglabas ng vlog ang mag-asawa para ibahagi ang kanilang "testimony of God's love and miracle."

Ayon kay Nicole, April 16 nagsimulang nilagnat ang bata at kinabukasan ay na-confine na ito sa Biñan Doctors Hospital sa Laguna.

Wala raw ideya sina Nicole at Renly kung ano ang sanhi ng lagnat ni Princess, pero kapansin-pansin ang biglaang pananamlay nito.

Lahad ni Nicole, "She was always sleeping. Yun ang na-notice namin na parang kakaiba. Nung April 16 na nagkalagnat siya, nakatulog siya sa online class niya.

Continue reading below ↓

"Hindi naman nangyayari yun. Lagi naman puyat yung batang iyan. Para sa amin, kakaiba.

"Right after her class, natulog siya uli. E, ito yung tipo ng bata na kailangan mo pilitin matulog."

Umabot daw ng 38.5 at 38.6 degrees Celsius ang lagnat ni Princess, pero hindi raw ito kinombulsyon.

Kaya lang ay tulog pa rin daw ito nang tulog noong unang araw nito sa ospital.

Tanging si Nicole ang nakasama ni Princess sa ospital dahil sa safety protocol na isa lang ang guardian na puwedeng magbantay.

"Yung moments na gising siya, 'Blah, blah, blah...' Parang nagba-bubble siya. So, sabi ko, 'Parang may something. What's happening?"

Lalo pang nabahala si Nicole nang irekomenda ng doktor na ipatingin ang bata sa espesyalistang neuro-pediatrician.

"Grabe na yung nerbiyos ko. 'Bakit neuro-pedia, e, lagnat lang naman meron siya, di ba?'

"Iyak na ako nang iyak. Dalawang araw ko na di nakakausap. E, ang daldal ni Princess.

Continue reading below ↓

"Napakahirap para sa akin na hindi ko naririnig kuwento niya, hindi ko naririnig tawa niya."

Sumailalim sa CT scan ang bata, at saka na-diagnose ng doktor na posibleng may meningoencephalitis si Princess.

Ani Nicole, "Siyempre nagulat kami. Akala namin lagnat lang. Yun pala, brain inflammation.

"I know for a fact dahil may experience ako sa sister ko na nagkaroon noon, I know that it's not an easy disease kasi brain yung tinamaan."

Wala raw available na gamot sa ospital, kaya agad na nag-utos si Nicole kay Renly na maghanap sa mga drug store.

Abot-abot ang pasasalamat ni Renly dahil isang mabait na pharmacist ang tumulong sa kanyang mag-locate ng gamot mula sa iba pang drug store.

Mahalaga raw kasi sa meningoenciphalitis na mabigyan agad ng gamot ang may sakit nito.

Pero hindi pa rin sapat iyon dahil inirekomenda ng doktor na dalhin si Princess sa mas malaking ospital na may ICU at kumpletong gamit.

Continue reading below ↓

Patuloy ni Nicole: "Nung sinabi yun, grabe na yung takot namin. Bakit kailangan ma-ICU?

"But God has ways of helping and providing. After namin malaman yun, yung mga angels around us, yung sister ni Ren, yung mga kaya, tumulong, nagmadali para makalipat si Princess sa ibang ospital.

"Sa panahon ng pandemic, hindi madali makapasok ng ibang ospital."

THREE WEEKS IN ICU AT QC HOSPITAL

Saktong may bukas na one slot para sa pediatric ICU sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City.

Apat na araw nang hindi nakakakain nang maayos ang bata kaya kinailangan itong saksakan ng nasogastric tube (NGT) sa ilong para makakain at makainom ng gamot.

Lubhang nag-alala ang mag-asawang Nicole at Renly dahil ni hindi sila makilala ng anak sa puntong iyon.

Naluluhang sabi ni Nicole, "Ang dami nakakabit sa kanya tapos di siya gumigising. Nakatulala lang. Hindi kami kilala.

"Napakarami naming tanong. 'Bakit si Princess?' It was really painful to see her there.

Continue reading below ↓

"Pinakamasaklap, wala namang way para magbantay sa ICU. So that first night we transferred her to ICU, we left her."

Pati si Renly ay emosyunal dahil hindi niya nasilayan si Princess nang personal sa loob ng tatlong linggong naka-confine ito sa ICU.

Sa video call lang daw sila nakakuha ng update mula sa nurses na nagbantay kay Princess.

Naluluhang sabi ni Renly: "Three weeks di namin nakikita. Tapos di pa kami kilala dahil di nga siya....

"Tapos siyempre, hindi naman sasabihin kung ano ang sitwasyon, kung okay lang ba talaga.

"Sasabihin lang, 'Mommy, okay na po si Princess. Dumumi na po. Kumain na po.' Pero hindi sinabi sa amin kung nakikipag-usap kasi talagang wala."

Ramdam ng mag-asawa na sa puntong iyon ay kritikal pa rin ang kondisyon ng anak.

Ani Nicole, "Imagine her na nasa ICU, madaming tubong nakakabit. Tapos nanginginig lagi. May tremor siya mula shoulders hanggang kamay.

"Every two hours, siguro nakukulitan na sa amin taga-ICU, pero nagpapasalamat ako sa tiyaga nila sa amin."

Continue reading below ↓

Dugtong ni Renly, "Nakiusap kami sa mga nurse na nagbabantay sa anak namin, even if di nagigising, ipanood YouTube namin para marinig niya."

Pagsapit ng May 1 hanggang May 4, kritikal pa rin ang kondisyon ni Princess.

Inirekomenda ng doktor na gamitan ng virtual EEG o electroencephalogram para maobserbahan ang brain activity at visual awareness ni Princess.

Lahad ni Nicole, "Naitawid namin, May 1, buong araw kami umiiyak. May 3, virtual EEG for 12 hours.

"May preferential gaze to the right si Princess. Nakamulat siya pero nakatingin lang sa kanan, at hind raw maganda iyon.

"So, talagang kami, grabe na yung mga takot namin. Every day yung development is regression.

"So, pagdating ng May 4, ang sabi ng doctor, 'We need to have an MRI. We don't like it that she's always sleeping.'"

Ang paggamit ng MRI o magnetic resonance imaging machine ay isang medical technique para masuri ang 3D images ng organs ng tulad ng brain ng isang tao.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito ay mababa raw ang heart rate ni Princess noon.

"To receive that call ng madaling-araw na hindi nagigising nang maayos anak mo, unimaginable for us. Sobra ang takot namin," ani Nicole.

NICOLE AND RENLY'S PRAYERS

Mas tumindi raw ang pagdarasal ng mag-asawa.

Dasal daw ni Nicole, "Lord, huwag mo naman siya kunin sa amin. Hindi namin kaya."

Sa puntong iyon, isinuko na raw ni Renly ang anak sa Diyos.

Nahihikbing kuwento ni Renly: "Lumuhod ako sa hallway ng condo. 'Ikaw na bahala. Hindi na namin alam, e. Sige, Lord, i-offer ko kung anong dapat.'

"Pero takot na takot ka bumitaw kasi anak mo yun. Sabi ko talaga sa isip ko, 'Okay, bibitaw ako para sa anak ko kaysa nahihirapan siya.'

"Hindi ko sinasabi sa asawa ko."

Hindi raw likas na madasalin si Renly, pero sa puntong iyon ay naalala raw niya ang Bible story tungkol sa pagsuko ni Abraham sa kanyang anak na si Isaac.

Continue reading below ↓

Dasal pa raw ni Renly: "'Lord, kung kinakailangan, handa na ako.'

"Hindi ko talaga kaya, pero alam mo yung mga tao palagi sinasabi sa iyo yung faith mo dapat hindi mawala.

"Nung araw na iyon, sinurrender ko. 'Sabi ko, 'Lord, kahit ano... Pero kung kinakailangan, wala kami magagawang mag-asawa.'

"Yung anak mo, hindi mo alam kung mabubuhay."

Wala pa raw isang oras ay nakatanggap muli ng tawag sina Nicole at Renly mula sa doktor ni Princess.

Lahad ni Nicole: "Si Princess, hinawakan niya kamay ng doctor, mahigpit. Nakatingin sa doctor, it's as if she's saying that she's fine.

"Sabi namin, 'Ano ito? Is it milagro?'

"Dun na namin na-realize na community prayers are very powerful.

"Nangyari yun araw-araw, iba't ibang relihiyon, Christian and Catholic, nag-offer ng mass, prayer, para sa kanya. Ganun katindi nagdasal."

Pero hindi pa rin daw natapos ang "delubyo" dala ng pagkakasakit ni Princess.

NEXT CHALLENGE FOR PRINCESS

Nang magising si Princess, inilabas na ito ng ICU at dinala sa regular room.

Continue reading below ↓

Pero wala naman daw tumatalab na pampakalma sa bata, na nawalan ng kontrol sa kanyang pagkilos.

Ani Nicole, "Three days siyang gising. Walang tumatalab na pampakalma at pampatulog.

"Humingi ako ng tulong sa doctor kasi di ko alam gagawin kasi hinahampas niya paa niya... Lumilipad ang kamay....

"Sobrang agitated talaga. Walang control yung katawan. Hindi niya controlled kasi nga brain po ang sakit."

Si Nicole daw ang nagbantay sa anak sa ospital, at pati siya ay tatlong araw ring diretsong walang tulog.

Umabot daw sa punto na kinailangang itali ang paa ni Princess sa kama para hindi nito masaktan ang sarili sa kakagalaw nito.

Kahit na sa video lang nakita ni Renly ay hindi raw niya maatim na nahihirapan ang anak.

Naaawa rin daw siya kay Nicole na hirap sa pagbabantay sa anak dahil tatlong araw nang walang tulog.

Ayon naman kay Nicole, iyon ang kanyang "moment of surrender."

"Yung feeling na may inabot na lubid tapos I just had to hold on. 'Sige, Lord. Jesus, take the wheel. Ikaw na bahala. I surrender. This is not mine anymore. This should be Your battleground. Ipakita Mo sa amin how omnipotent You are... I surrender.'

Continue reading below ↓

"And kumapit ako sa Kanya. The next day, naging kalmado si Princess. And for the first time, natulog siya ng ilang oras.

"Binigyan niya ako three hours na tulog. Then she started recovering."

Bigla na raw bumalik ang huwisyo ni Princess at nakapagbitiw ng salitang "Mommy."

Kinalaunan, sinabi rin daw ng doktor kay Nicole na may puntong tila hindi makaka-recover ang bata pero nakuha raw sa dasal ang paggaling nito.

Ani Nicole, "Totoo pala. May milagro. There is a God."

HOSPITAL BILL WORTH PHP2.3M

Nang pinayagan na ng doktor na makalabas ng ospital si Princess, bahagya raw nag-alala si Renly tungkol sa hospital bill na babayaran nila ni Nicole.

"My, paano na? Ang bill natin is PHP2.3M million. Magkano babayarain natin sa
insurance?" tanong daw ni Renly kay Nicole.

Pero nasalo raw sila ng kanilang health insurance.

Dugtong niya, "In-expect namin ang laki. Sabi sa amin [sa cashier], 'Sir, ang ise-setlle niyo lang PHP39,000.

Continue reading below ↓

"Kulang na lang halikan mo lupa. 'Lord, thank you. Kahit ang sakit-sakit ng nangyari sa amin, pinaramdam Mo sa amin na mahal Mo kami.'

"Inayos pa rin. Kasi di mo alam kung saan dadamputin ang PHP2.3M.

"Tapos may dumating na wheelchair bigay ng ninong. May dumating na pedia walker. Ang daming tulong."

Lubos ang pasasalamat ng mag-asawa sa kanilang nakilalang prayer warriors. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang Tirso at Lynn Cruz, Amy Austria, Gina Alajar, at Ali Sotto.

Marami rin daw silang nakilalang "angels" na tumulong sa kanilang marespondehan agad ang mga pangangailangan ng anak.

Nagpasalamat din sila sa mga nurse na bukod sa nag-alaga kay Princess ay nag-decorate ng hopital bed nito nang magdiwang doon ng kanyang ika-walong kaarawan ang bata.

PRINCESS: "I AM A MIRACLE."

Nang i-record nina Nicole at Renly ang vlog ay 19 days nang nakalabas ng ospital si Princess.

Nasa proseso pa rin daw ito ng recovery at kailangang sumailalim ng physical therapy, occupational therapy, at speech therapy.

Continue reading below ↓

Pero masiglang humarap si Princess sa kamera at nagpasalamat sa mga taong nagdasal para sa kanyang paggaling.

Matatas na sabi ng bata, "Thank you for the people who prayed for me. When I was in the hospital, I had to pray, 'God, please get me out of the hospital.' In one month, I got out.

"My last wish was to walk. Now I can walk. Always pray to God, Jesus, and Mama Mary."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
DJ Nicole Hyala and Renly Tiñana on daughter who suffered from meningoencephalitis: "Ang dami nakakabit sa kanya tapos di siya gumigising. Nakatulala lang. Hindi kami kilala. Tapos nanginginig lagi. Napakarami naming tanong. 'Bakit si Princess?' It was really painful to see her there."
PHOTO/S: PapamFam ni Nicole Hyala YouTube / @nicolehyala Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results