Veteran action movie director Augusto Salvador dies at 82

by Jojo Gabinete
Jun 8, 2021
Veteran film editor and director Augusto Salvador passed away Monday, June 7, because of heart failure. He was 82.

Pumanaw ang multi-awarded film editor at veteran director na si Augusto "Augie" Salvador dahil sa heart failure kahapon, June 7.

Siya ay 82 taong gulang.

Nagsimula ang career ni Salvador bilang film editor noong 1956 hanggang mabigyan siya ng oportunidad para maging direktor ng mga pelikula.

Mga action movies ang karamihan sa mga proyekto ni Salvador dahil naging paborito siyang katrabaho ng action stars tulad nina Fernando Poe Jr., Rudy Fernandez, Phillip Salvador, at Senators Bong Revilla Jr. at Lito Lapid.

Ginawaran si Salvador ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award sa 30th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines noong August 26, 2012.

Ito ay dahil sa mga kontribusyon niya sa Philippine movie industry bilang direktor at film editor.

Sina Bong at Phillip ang dalawa sa mga action star na nagbigay-pugay kay Salvador nang malaman nilang binawian ng buhay ang isa sa kanilang mga iginagalang na direktor.

Mensahe ni Bong, “ Ang akin pong taus-pusong pakikiramay at panalangin sa naiwang pamilya at mga mahal sa buhay ni Direk Augusto "Augie" Salvador.

Continue reading below ↓

“Isa sa mga institusyon ng industriya ng Pelikulang Pilipino, may mahigit sa 100 pelikula ang dumaan sa mata at kamay ni Direk Augie bilang isa sa pinakamagaling at batikang editor at direktor, kung saan may tatlo kaming pinagsamahan—Agimat, Bertud ng Putik, at Kilabot at Kembot—na pare-parehong naging mga blockbuster.

“Napakapalad kong makatrabaho ka at matawag na kaibigan. Isa kang tunay na yaman ng pelikulang Pilipino.

“Napakasakit ang biglaan mong pagpanaw Direk. Nawa'y makamtan mo ngayon ang kapahingaan at kapanatagan sa piling ng ating Maykapal. Rest in peace Direk Augie. Mananatili ka sa aming mga puso.”

Naalaala naman ni Phillip na binawian ng buhay si Salvador sa ika-labintatlong anibersaryo ng kamatayan ni Rudy Fernandez, na namaalam noong June 7, 2008.

Hinding-hindi makalilimutan ni Phillip ang direktor na kaapelyido niya dahil sa maraming pelikula na kanilang pinagsamahan kabilang ang Masahol Pa Sa Hayop, Lucio Margallo, Bobby Barbers: Parak, Kaaway Hanggang Hukay, Pag Oras Mo Na, Oras Mo Na, at Joe Pring: Homicide Manila Police.

Continue reading below ↓

Nakaburol ang mga labi ng direktor sa St. Peter's Chapel, Bangkal, Meycauayan, Bulacan.

Ayon kay Phillip, hindi pa napagdedesisyunan ng naulilang pamilya ni Salvador ang araw ng libing nito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran film editor and director Augusto Salvador passed away Monday, June 7, because of heart failure. He was 82.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results