Inamin ni Vickie Rushton na masakit man sa kalooban, kailangan niyang tanggapin na tapos na ang kanyang beauty-pageant journey.
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Biyernes, June 11, inihayag ni Vickie ang kanyang saloobin tungkol sa pagtatapos ng pangarap niyang maging isang beauty queen.
Ngayon ding araw ang announcement ng pre-pageant activities ng Binibining Pilipinas 2020, na binalak salihan ni Vickie.
Mensahe ng former Pinoy Big Brother: All In housemate: “As much as I don’t want to, I need to close this chapter in my life.
“I thought I was okay but today I realized that I might not be as ok as i thought I was."
Hindi raw niya mapigilang maiyak, pero iniisip na lang niyang may dahilan ang lahat.
Saad ni Vickie, “It finally sunk in that I am no longer part of it.
“Today, I found myself crying because I am still not ready to let go of this dream but I know I have to and I know God has better plans.”
Bakas sa mensahe ni Vickie na masakit ito para sa kanya, pero sinisikap niyang maging positibo.
“I never imagined this journey would end this way but maybe it’s time to dream a new dream,” pagtatapos ng kanyang post sa Instagram.


Dahil sa pandemya, na-postpone ang ilang malalaking local pageants noong 2020, isa na rito ang Binibining Pilipinas.
Muling nag-resume ang Binibining Pilipinas 2020 pageant earlier this year at mangyayari ang grand coronation sa July 11.
Napilitang umurong si Vickie sa pageant dahil lumampas na siya sa age-limit requirement ng major international pageants.
Hangad sana ni Vickie na manalo sa national pageant at i-represent ang Pilipinas sa susunod na Miss International.
Noon lamang Mayo, sumapit na si Vickie sa edad na 29, lampas na sa age limit ng Miss International na 18 to 28 years old.
VICKIE'S MAJOR TITLES
Maituturing na beterana na si Vickie sa major beauty pageants.
Noong 2019 ay nakapasok siya sa Top 15 ng Binibining Pilipinas.
Hinirang siyang first runner-up sa Binibining Pilipinas noong 2018.
Itinanghal din siyang Mutya ng Pilipinas noong 2011.
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
