PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Isko Moreno returns to acting via Andres Bonifacio biopic

Mayor Isko assures Manilenos that his top priority is still his job as mayor.
by Jojo Gabinete
Published Jun 12, 2021
Mayor Isko Moreno on portraying Andres Bonifacio in the movie Maypagasa: “Una, hindi ko na kailangan iarte ang kahirapan. Si Bonifacio, mahirap nung bata, mahirap din ako noong bata."
PHOTO/S: Facebook / Jojo Gabinete

Para kay Manila City Mayor Isko Moreno, malaking karangalang siya ang napili ng direktor at mga producer ng Regal Entertainment Inc. bilang bida ng Maypagasa, ang pelikulang magsisiwalat sa ibang mga impormasyon tungkol sa buhay ni Gat Andres Bonifacio na hindi pa naipapakita o napapanood sa mga nakaraang Bonifacio movie.

Sa personal na panayam kay Isko sa harap ng Bonifacio Shrine sa Maynila ngayong Araw ng Kalayaan, June 12, masaya niyang ikinuwento ang pagbabalik sa paggawa ng pelikula.

Pahayag niya, “Maraming salamat kina Direk Erik Matti, Dondon Monteverde, and his group and, of course, to the family of Andres Bonifacio because I was told na bagay na bagay raw sa akin yung Andres Bonifacio, dala ng hugot ko sa buhay o ng mga karanasan ko, marami kaming similarities.

“I’m honored and humbled for this opportunity. It’s going to be very challenging, but I hope I can live up to your expectations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I will do my best. But one thing is for sure, may mga portion na madali ko nang magagampanan."


SIMILARITIES WITH BONIFACIO

Pagkatapos nito ay inisa-isa ni Isko ang mga pagkakahawig ng buhay nila ni Bonifacio.

“Una, hindi ko na kailangan iarte ang kahirapan. Si Bonifacio, mahirap nung bata, mahirap din ako noong bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Si Bonifacio, nagsigasig sa pag-aaral. Nagsigasig din naman ako sa pag-aaral.

"Si Bonifacio, nag-artista, sa teatro. Ako, nag-artista.

“Si Bonifacio, kinumbinsi niya ang mamamayan, bumuo siya ng grupo para lumaban at paglingkuran ang ating bayan. Lumaban sa mandarayo.

"At awa naman ng Diyos, 23 years na rin ako sa paglilingkod sa bayan."

Magsisimula sa huling linggo ng June 2021 ang principal photography ng Maypagasa, pero nagbitaw si Isko ng pangako na ang paglilingkod sa kanyang mga kababayan sa Maynila ang top priority niya.

May kasunduan daw sila ni Direk Erik Matti.

“When I said yes to them, sabi ko, top priority is yung schedule ko regularly sa city government because the people of Manila deserve better things from their government.

"So, yung mga libre kong oras, and most of it sa gabi, yun naman ang schedule ng shooting. Ginawan ng paraan ni Direk Erik Matti."

FIGHT AGAINST PANDEMIC

Maypagasa ang working title ng pelikula na gagawin ni Isko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gustung-gusto ng alkalde ang pamagat dahil nagbibigay ito ng pag-asa sa lahat, lalo na sa panahon ng coronavirus pandemic na itinuturing niyang kalaban ngayon ng buong mundo.

Saad niya, “It’s a very good story to tell. When I saw the script, ayokong pangunahan kayo, but it’s a very different Bonifacio movie and the title is very timely. The working title is Maypagasa.

“Si Bonifacio, sampu ng kanyang mga kasamahan na rebolusyonaryo, nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa.

“Sa panahon ngayon, tayo bilang mayor at sampu ng aking mga kasamahang kawani at mamamayan, nakikipaglaban din tayo sa kalayaan ngayon. Kalayaan sa pandemyang ito.

“The working title is perfect, that there is hope. Kailangan magkaisa.

"Sana matutunan natin ang kasaysayan. Sana kapulutan natin ng aral ang kasaysayan, lalo na ang kasaysayan ni Bonifacio.

“Kapag tayong mga Pilipino, nagkahiwa-hiwalay, mananaig yung mga mananakop at naipakita ‘yan ng kasaysayan natin.

“I think we should learn our lesson to help one another, to fight against the common enemy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"In this case, in our time, it’s COVID-19, the real enemy. Makakamit din natin ‘yung kalayaan laban sa pandemyang ito."

TWO WIVES

Dalawa ang naging asawa ni Bonifacio noong nabubuhay pa ito—si Monica na pumanaw noong 1890 dahil sa ketong at si Gregoria de Jesus na nabiyuda nang patayin siya Bonifacio sa Maragondon, Cavite noong May 10, 1897.

Hindi pa kumpleto ang cast ng Maypagasa kaya hindi pa masagot ni Isko ang tanong tungkol sa aktres na makakapareha niya at gaganap na Gregoria de Jesus sa kanyang comeback movie.

“Leading lady? Wala pa, e. Sino ba ang maganda? Sino ang puwede?

"Hindi ko pa alam, e. Matagal na akong absent. Nakalimutan ko yung assignment!" natatawang sabi ni Isko.

MORE GUIDE ARTICLES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Isko Moreno on portraying Andres Bonifacio in the movie Maypagasa: “Una, hindi ko na kailangan iarte ang kahirapan. Si Bonifacio, mahirap nung bata, mahirap din ako noong bata."
PHOTO/S: Facebook / Jojo Gabinete
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results