PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola responds to netizens asking are her boobs for real

Jessy Mendiola reveals her vital statistics.
by Rachelle Siazon
Published Jun 13, 2021
Jessy Mendiola on queries if her boobs are cosmetically enhanced: "Hindi ko na talaga kaya magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap."
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram

Hindi inatrasan ni Jessy Mendiola ang katanungan ng netizens kung retokada raw ba siya.

Prangkang sinabi ni Jessy na isa sa mga natanggap niyang "savage questions" mula sa netizens ay kung totoo o cosmetically enhanced ang kanyang boobs.

Sa kanyang YouTube vlog noong June 10, kuwelang pinindot ni Jessy ang itaas na bahagi ng kanyang dibdib.

Sabay nakangiting sabi niya, "Yes, they're real guys."

Hindi raw niya naisip na magpa-enhance ng dibdib dahil nabibigatan na nga raw siya rito.

Paliwanag niya: "Hindi ko na talaga kaya magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap.

"Kaya ako nagpapayat noon dahil hindi ko na rin kaya ang bigat ng aking boobs.

"Real talk. Kasi nakukuba na ako and masakit sa likod."

JESSY'S VITAL STATISTICS

Nasorpresa si Jessy dahil may netizens na nais ding malaman kung ano ang kanyang bra size.

"Ano ba 'yan! Ang aking cup size ay 34B," diretsahang sabi rin naman ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang kanyang vital statistics?

Sagot uli ni Jessy, "34-25-38. Pag medyo bloated, 26 [inches] ang waist ko."


ON NOSE JOB SPECULATIONS

Ayon pa kay Jessy, nalaman niyang may mga nagse-search sa Google kung ano ang hitsura niya noon.

Tingin daw ng iba ay nagparetoke siya ng ilong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw naman ng aktres na hindi totoo ang espekulasyong nagparetoke siya ng ilong o anumang bahagi ng kanyang mukha.

Paliwanag ni Jessy: "Ang dami-dami nagsasabi na nagparetoke ako kasi nag-iba yung ilong ko, parang sobrang lumiit ang face ko.

"Pero ang totoo niyan, really, pumayat lang ako.

"At mas nag-mature yung face ko kaya mas naging defined yung features ko."

Inilapit pa ni Jessy ang mukha para bigyang-pansin ang kanyang ilong.

Aniya, "Tingnan niyo, make-up lang 'yan. Mag-nose line lang kayo at mag-highlighter sa gitna ng ilong, tatangos din 'yan."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola on queries if her boobs are cosmetically enhanced: "Hindi ko na talaga kaya magpadagdag pa dahil bigat na bigat na rin ako sa aking hinaharap."
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results