Quezon City RTC orders Nadine Lustre to honor contract with Viva Artists Agency

by Jojo Gabinete
Jun 14, 2021
Quezon City Regional Trial Court on Viva Artists Agency's petition against Nadine Lustre: “The contract between the parties is the law between them and Nadine cannot take the law into her own hands and unilaterally terminate her contract with VIVA."
PHOTO/S: @nadinelustre on Instagram

Inilabas ng Regional Trial Court ng Quezon City ngayong Lunes, June 14, ang resolusyon tungkol sa petisyon na inihain ng Viva Artists Agency Inc. laban sa aktres na si Nadine Lustre.

Inutusan ng Quezon City RTC si Nadine na igalang at panindigan nito ang kanyang contractual obligations sa Viva.

Ipinatitigil din ng korte ang pagtanggap niya ng mga trabaho mula sa ibang kompanya bilang artist at endorser nang walang anumang pahintulot at partisipasyon ng Viva.

Sa resolusyon ng korte, napatunayan nitong valid at subsisting ang kontrata ni Nadine.

Nakasaad dito: “Petitioner [Viva] has established its unequivocal right arising from the subject Revised Agency and Management Agreement.

"It has established that respondent [Nadine] contracted with them to act as sole and exclusive manager for respondent’s exercise of profession in the show business.

“The contracts entered into by Nadine with Viva were executed with the assistance and presence of her parents at the time she was a minor. Nadine’s contracts with Viva mutually benefitted from their contractual relationship."

Continue reading below ↓

Dagdag pa rito: [T]he contract between the parties is the law between them, and Nadine cannot take the law into her own hands and unilaterally terminate her contract with VIVA."

Dahil sa desisyon ng RTC ng Quezon City, hindi maaaring tumanggap si Nadine ng mga trabaho nang walang pahintulot ng Viva.

Ayon sa legal counsel ng Viva na si Atty. Paolo Roxas, “With the Court’s ruling, Nadine is precluded from entering into and/or performing contracts involving her services as an artist/endorser, without the consent and participation of Viva.

"As provided by her contract, any issue raise by Nadine against Viva should be the subject of arbitration proceedings.”

Matatandaang naglabas ng opisyal na pahayag noong January 2020 ang legal counsel ni Nadine na si Atty. Lorna Kapunan tungkol sa desisyon ng aktres na wakasan ang kanyang exclusive contract sa Viva.

Ginamit na katuwiran ni Atty. Kapunan ang Article 1920 ng Civil Code of the Philippines.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa Article 1920 na “the principal may revoke the agency at will, and compel the agent to return the document evidencing the agency."

Bahagi ng opisyal na pahayag noon ng lega counsel ng aktres: "Nadine is self-managed and will continue to be so on indefinitely. She shall direct manage her affairs from now on, and bookings and inquiries may be directly addressed to her."

Naghain ang Viva ng petisyon tungkol sa kasunduang binawi ni Nadine dahil sa paratang nitong "unconscionable, oppressive, and illegal" ang kanilang kontrata.

Wala pang pahayag ang kampo ni Nadine sa desisyong ito ng Quezon City RTC.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Quezon City Regional Trial Court on Viva Artists Agency's petition against Nadine Lustre: “The contract between the parties is the law between them and Nadine cannot take the law into her own hands and unilaterally terminate her contract with VIVA."
PHOTO/S: @nadinelustre on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results