Nadagdagan na naman ng prized artist ang bagong tatag na talent management company ni Maja Salvador, ang Crown Artist Management Inc.
Noong nakaraang Linggo, June 13, ipinakilala ng nasabing kumpanya ang bago nilang talent—si Jasmine Curtis-Smith.
Caption ng kumpanya sa kanilang post sa Instagram: “Our Indie Queen [crown emoji] @jascurtissmith”
View this post on Instagram
Ayon naman kay Jasmine, bagong panimula ito sa kanya.
Ginamit pa nga niya ang kasabihan ng German theologian at philosopher na si Meister Eckhart.
Saad ng Kapuso actress sa kanyang post noong Linggo rin: “And suddenly you know: it's time to start something new and trust the magic of new beginnings ~ Meister Eckhart [heart emoji]
“To new beginnings at @crownartistmgmt”
View this post on Instagram
Komento ni Maja sa kanyang post: “We Love You Our Indie Queen! [crown emoji]”

Sa comments section, naghayag din ng suporta ang ilang kaibigang artista ni Jasmine sa desisyon nitong lumipat ng management.
Kabilang sa kanila sina Angel Locsin, Iza Calzado, Shaira Diaz, Sophie Albert, Benjamin Alves, Angie Mead King, Valeen Montenegro, at ang direktor na si Gino Santos.


Una nang pumirma sa management company ni Maja si John Lloyd Cruz. Ipinakilala siya ng Crown noong May 15, 2021.
Samantala, maayos daw na nagpaalam si Jasmine sa dating manager na si Betchay Vidanes ng Vidanes Celebrity Marketing.
