Higit 40 celebrities na kinabibilangan ng mga beterano at baguhang artista ang pumirma sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.
Nangyari ang pagpapakilala at pagpirma ng mga artistang ito ngayong Sabado, June 19, 2021, sa pamamagitan ng isang magarbo event na tinawag na Star Magic Black Pen Day.
Ilan sa mga kilalang artistang pumirma ay sina John Arcilla, Sandino Martin, at Angeline Quinto.
Kapansin-pansin din sa bagong batch ng Star Magic talents ang mga anak ng kilalang celebrities.
Kabilang dito si Jayda Avanzando, na anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.
Nariyan din si Paolo Gumabao, anak ni Dennis Roldan; at si Jake Ejercito na anak nina dating Pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez.
Naging bahagi na rin ng Kapamilya talent management arm si Kaila Estrada, anak ni Janice de Belen kay John Estrada.
Kabilang din dito si Alyssa Muhlach, anak ni Almira Muhlach; at Kiko Estrada na anak ni Cheska Diaz kay Gary Estrada.
Isa pang bagong Kapamilya ay si Asia’s Next Top Model Cycle 5 grand winner Maureen Wroblewitz.
Naging Star Magic talent na rin si JC Alcantara.
Samantala, kumpiyansa naman sina Jayda at Jake na matutulungan sila ng Star Magic upang umalagwa ang kanilang career.
Ani Jayda, ayon sa ulat ng TV Patrol, “No one can deny ABS-CBN’s track record when it comes to artist development and producing quality entertainment.”
Sabi naman ni Jake, “Star Magic is known to really look after its talents.
“They were able to build careers from almost nothing and then skyrocket.
“I know I’m with the right family.”
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
